Fundlife ng SSS mapapahaba pa sa dagdag na kontribusyon simula sa Abril

LEGAZPI CITY – Muling nagpaliwanag ang pagiging epektibo na nang dagdag na kontribusyon para sa mga miyembro ng Social Security System (SSS) simula sa buwan ng Abril.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Jeanette Mapa, tagapagsalita ng SSS Legazpi Branch, mula sa dating 11 percent, magiging 12 percent na ang buwanang kontribusyon ng SSS members ito ay kaugnay sa umiiral na Republic Act 11199 o ang Social Security Act of 2018.

Ayon kay Mapa, nilalayon ng naturang hakbang na mapalakas ang fundlife ng SSS na una nang pinangambahang malulugi pagdating ng taong 2026.

Read more at http://www.bomboradyo.com/fundlife-ng-sss-mapapahaba-pa-sa-dagdag-na-kontribusyon-simula-sa-abril/

MRT, walang biyahe sa Kuwaresma

Isang linggong sususpendihin ng Metro Rail Transit (MRT)-Line 3 sa Abril ang biyahe nito upang bigyang-daan ang annual general maintenance shutdown nito.

Batay sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), itatapat nila sa Mahal na araw ang tigil-biyahe ng MRT para sa pagkukumpuni, upang hindi ito masyadong makaapekto sa mga pasahero.

Kinumpirma ng DOTr na walang biyahe ang MRT sa simula sa Abril 15, Lunes Santo, hanggang Abril 21, Easter Easter Sunday.

“Maintenance works that will be done during the one week suspension of revenue operations include rail grinding, rail cascading, replacement of turnouts, structural testing, and other general maintenance activities on our trains, electrical systems, and other MRT-3 subsystems,” saad sa abiso ng DOTr.

Read more at http://balita.net.ph/2019/03/19/mrt-walang-biyahe-sa-kuwaresma/

SMC itatayo ang 1st recycled plastic road sa ‘Pinas

Sa unang pagkakataon, magkakaroon ng mga lansangan sa bansa na yari sa mga recycled plastic materials.

Pamumunuan ito ng San Miguel Corporation (SMC) bilang bahagi ng kanilang mga programang naglalayong mabawasan ang epekto ng mga basurang plastic at mapangalagaan ang kapaligiran at likas na yaman para sa kapakanan ng mga mamamayan.

Ayon kay SMC president at Chief Operating Officer (COO) Ramon Ang, ang paglikha ng mga lansangang gawa sa mga recycled plastic ay bahagi ng kanilang inis­yatibo na mapanatili ang balanseng ekolohiya para sa tugmang kalikasan.

“Two years ago, we announced our major water sustainability project: to cut SMC water use by 50% by 2025. Recently, we reported that we beat our 2020 intermediate deadline of 20% reduction, by two years. 

Read more at https://www.abante.com.ph/smc-itatayo-ang-1st-recycled-plastic-road-sa-pinas.htm

Manila Water naglabas na ng schedule ng water interruptions

Manila, Philippines – Naglabas na ang Manila Water ng iskedyul ng water interruption sa mga apektadong lugar ng water supply sa Metro Manila.

  Ayon sa Manila Water, simula Marso 14-15, 2019, makararanas ang mga residente ng mula 6 hanggang 21 oras na water service interruption araw-araw.

Dagdag pa ng Manila Water, kahit magkaroon ng tubig sa gripo ay maaaring mas mahina ito kesa sa dating nararanasan.

Read more at https://remate.ph/2019/03/13/manila-water-naglabas-na-ng-schedule-ng-water-interruptions/

Paring Pinoy, pinili bilang bishop ng Los Angeles

Los Angeles – Itinalaga ni Pope Francis si Fr. Alex Aclan bilang pinakabagong auxiliary bishop para sa archdiocese ng Los Angeles, ang ikalawang Filipino American na pari na naging bishop sa US.

  Si Aclan, 68-anyos, ay nagsilbi bilang associate pastor sa dalawang local na simbahan at naging pari rin sa clergy para sa archdiocese simula noong 2015. Nasa sabbatical si Aclan ng pitong buwan bago pa man siya italaga bilang bishop ng Los Angeles.

Anak si Aclan ng isang piloto ng Philippine Army Air Corps, nag-aral ng medisina at kalauna’y nagtrabago sa IT sector. Lumipad siya sa US kasama ang kaniyang pamilya noong 1982 kung saan siya nagtrabaho sa banking industry bilang project manager.

Read more at https: //remate.ph/2019/03/07/paring-pinoy-pinili-bilang-bishop-ng-los-angeles/

Inflation, bumaba sa 3.8%

Manila, Philippines – Muli na namang bumaba ang inflation rate nitong Pebrero, ayon sa data na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Martes.

  Ang pagbaba ng inflation rate sa 3.8% ay ikaapat na buwan nang magkakasunod matapos itong pumalo sa 6.7% noong Oktubre 2018, sinasabing pinakamabilis sa nakalipas na siyam na taon simula noong 7.2% noong Pebrero 2009.

Mas mababa ang naitalang inflation rate na 3.8% nitong Pebrero kumpata sa 4.4% na naitala noong Enero at 4.5% na naiulat noong Pebrero 2018.

Read more at https://remate.ph/2019/03/05/inflation-bumaba-sa-3-8/

Bilang ng mga namatay sa tigdas, umakyat pa sa 261 – DoH

Pumalo pa sa 261 ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa sakit na tigdas.

   Sa pinakahuling report mula sa Department of Health (DoH), lumobo pa sa 16,349 ang mga napaulat na tinamaan ng sakit mula noong Enero 1 hanggang Marso 2 sa buong bansa.

   Nakapagtala rin umano sila ng kabuuang 1,411 kaso ng tigdas mula Marso 1 hanggang Marso 2.

   Sa nasabing bilang, nangunguna ang Calabarzon sa may pinakamaraming nagkasakit ng tigdas sa 3,877 kung saan 78 rito ang nasawi.

Read more at http://www.bomboradyo.com/bilang-ng-mga-namatay-sa-tigdas-umakyat-pa-sa-261-doh/

Measles cases sa CALABARZON, dumami pa

  Manila, Philippines – Nadagdagan pa ang bilang ng mga nabibiktima ng tigdas sa Region 4A o rehiyon ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (Calabarzon).

  Sa inilabas na quick count ng Department of Health (DOH)- Calabarzon, nabatid na mula Enero 1, hanggang alas-8:00 ng umaga nitong Huwebes, Pebrero 21, ay umakyat na sa 2,764 ang kabuuang bilang ng mga measles cases na naitala nila sa kanilang nasasakupan.

  Ang naturang bilang ay paglobo ng 436 kaso sa loob lamang ng apat na araw, matapos na makapagtala lamang ang DOH ng 2,328 kaso mula Enero 1 hanggang Pebrero 17.

  Nadagdagan rin naman ng 14 ang bilang ng mga binawian ng buhay dahil sa sakit, sa nakalipas na apat na arawa, dahil mula sa dating 55 na kaso lamang sa nabanggit na petsa, ay naging 69 na ito, o may case fatality ratio (CFR) na 2.5%.

Read more at https://remate.ph/2019/02/21/measles-cases-sa-calabarzon-dumami-pa/

Homecoming parade ni Ms. U. Catriona Gray, nagpapatuloy

Photo Courtesy: Cosmo.ph

  Inabangan ng marami ang pagdaan ng homecoming parade ni Miss Universe 2018 Catriona Magnayon Gray sa mga lansangan ng Pasay at Makati.

  Bandang alas-2:00 ng hapon nang umusad ang parade mula sa PICC.

  Sakay ang beauty queen ng magarbong float na may disenyo ng Mikimoto crown.

  Suot naman ng 2018 Miss Universe ang kaniyang “lava” inspred gown na sumasalamin sa pinagmulan nitong probinsya ng Albay, kung saan matatagpuan ang perfect cone volcano na Mayon.

Read more at  http://www.bomboradyo.com/homecoming-parade-ni-ms-u-2018-catriona-gray-tumulak-na/

Marijuana, mabuti para sa mga maysakit – Sec. Panelo

Manila, Philippines – “That’s good for those who are sick.”

  Ito ang tugon ng Malakanyang matapos makalusot  sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Kamara ang panukalang gawing legal ang paggamit ng medical marijuana.

  Ani Presidential spokesperson Salvador Panelo, palagi aniyang sinasabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na suportado niya ang marijuana bilang healing mechanism o medisina.

  Wala namang nakikitang dahilan ang Malakanyang para lumiham pa ang Pangulo sa senado para kaagad na ipasa ang Philippine Compassionate Medical Cannabis Act.

  Nauan rito, sa botong 163 na Yes, 5 na No at 3 na abstention inaprubahan ng mga kongresista ang House Bill 6517 o Philippine Compassionate Medical Cannabis Act.

Read more at https://remate.ph/2019/01/31/marijuana-mabuti-para-sa-mga-maysakit-sec-panelo/

63 senatorial candidates, pasok sa final list ng Comelec sa 2019 polls

  Inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) pinal na listahan ng mga kandidato sa pagka-senador para sa 2019 midterm elections.

  Kabuuang 63 na kandidato ang nasa listahan pero ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez.

  Maalalang umabot sa 152 ang naghain ng kanilang certificate of candidacy (CoC) noong October 14, 2018 sa Comelec na naghahangad maging senador.

  Karamihan sa mga natanggal ay ikinukonsiderang nuisance candidate.

Read more at http://www.bomboradyo.com/63-senatorial-candidates-pasok-sa-final-list-ng-comelec-sa-2019-polls/

 

Pagtatayo ng mga bagong ahensya, isinusulong sa Senado

Isinusulong ngayon sa Senado ang ilang panukala para sa pagtatayo ng mga bagong tanggapan na tututok sa mga partikular na usapin at pangangailangan.

Isa na rito ang itinutulak na bill ni Sen. Richard Gordon na pagbuo ng Police Law Enforcement Courts na nakatuon sa mga paglabag sa batas ng mga pulis, habang nasa kanilang serbisyo.

Ikalawa ang panukala ni Senate ways and means committee chairman Sen. Sonny Angara na pagbuo ng isang departamento para sa mga pangangailangan ng senior citizens.

READ AT MORE: http://www.bomboradyo.com/pagtatayo-ng-mga-bagong-ahensya-isinusulong-sa-senado/

 

Criminal responsibility para sa 12-anyos pinalagan ng CHR

   MANILA, Philippines — Hindi pabor ang Commission on Human Rights sa pagbababa ng maaring panagutin ng batas sa 12 taong gulang, ‘yan ay matapos irebisa ng Kamara ang naunang panukala na 9-anyos.

   “The Commission on Human Rights is deeply alarmed that, despite calls of experts on child development and advocates of children’s rights, members of the House of Representatives are still firm on reducing the minimum age of criminal responsibility from what the current law sets at 15 years old,” ayon sa pahayag ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia.

   (Lubos na nababahala ang Commission on Human Rights dahil, sa kabila ng panawagan ng mga eksperto sa child development at advocates ng children’s rights, resolbado pa rin ang House of Representatives na ibaba ang minimum age of criminal responsibility sa kasalukuyang 15 taong gulang.)

 Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/01/24/1887790/criminal-responsibility-para-sa-12-anyos-pinalagan-ng-chr#JoxupXUEMZtUzv2e.99

Pagtaas ng pamasahe sa jeep dagdag sa suliranin ng mahihirap

Habang pabor sa mga tsuper ng jeepney ang pisong pagtaas sa pamasahe, dagdag naman ito sa suliranin para sa mga pasahero, ayon sa iba’t ibang grupo.

Nitong Biyernes ay itinaas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa P9 minimum fare sa mga jeep para sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon.

Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/07/09/1832003/pagtaas-ng-pamasahe-sa-jeep-dagdag-sa-suliranin-ng-mahihirap#xMAiY6WGs0jI8AXR.99

”One perfect shot’ ni Broner, mahirap; Pacquiao, dapat ayusin ang opensa’

Kinuwestiyon ng isang boxing analyst ang sinasabing mga diskarte na maaaring gawin nina Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao at ni Adrien Broner sa kanilang pagtutuos sa Enero 20.

Ayon kay Tolentino, dahil sa maaaring malimitahan ang papakawalang suntok ni Broner sanhi ng ganitong diskarte, posible raw maghintay lamang ito sa wala.

Read at more: http://www.bomboradyo.com/one-perfect-shot-ni-broner-mahirap-pacquiao-dapat-ayusin-ang-opensa/