Eleksyon 2019, kumpirmadong tuloy- Malacañang

Kinumpirma ng Malacañang na matutuloy ang National Election para sa taong 2019.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, malabong magkaroon ng No El o No Elections dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nababago ang petsa ng halalan na nakasaad sa Saligang Batas kung saan, tanging ang presidente lamang ang siyang nagpapatupad nito.

Maaari lamang na hindi matuloy ang halalan sa susunod na taon kung sakaling mararatipikahan ng pangulo ang panukala ng bagong Saligang Batas.

Read more at: https://www.rappler.com/nation/207140-2019-elections-pushing-through-new-constitution-ratified-early

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *