ELJ, WU-P, CIC at CRT, lusot sa huling araw ng elimination round ng Women’s V-Ball sa NECSL Season 7

Siniguro ng ELJ Hawks, WU-P Riders, CIC Kings at CRT Blue Fox na sa kanila ang tagumpay ng huling araw ng elimination round ng Women’s Volleyball sa Nueva Ecija Collegiate Sports League o NECSL Season 7 na ginanap kahapon, October 10, 2018.

Sa unang laro, ay straight sets ang ginawa ng ELJ Hawks kontra Mvgfc Ambassadors sa score na 25-19 at 25-18.

Sa first set ng pangalawang laro, naungusan agad ng NEUST Phoenix ang WU-P Riders.

Ngunit, sa pangalawang set ay hindi nagpatinag at bumawi ang Riders, kaya tabla ang naging panalo.

Sa ikatlong set, naging mainit ang laban pero tagumpay ang Riders na tuldukan ang laro sa mga score na 11-25, 25-19 at 15-10.

CIC Kings naman ang naghari sa pangatlong laro kontra OLFU, sa scores na 25-14 at 25-8.

At sa huling laro ay tinambakan ng CRT Blue Fox ang OLSCHO sa first set sa score na 25-8. Sinubukang maka-angat ng puntos ng huli sa second set, ngunit bigo sa score na 25-15.

Sa ngayon, ay naghahanda na ang mga koponan na pasok sa mas mainit na sagupaan sa semi-finals ng Women’s Volleyball.

Samantala, sa ikapitong araw ng elimination round ng Men’s Volleyball, hindi na pinaungos ng WU-P Riders ang ELJ Hawks sa score na 25-15 at 25-13.

Umabante naman ng walang kahirap-hirap ang ELJ Hawks, dahil sa hindi pagsipot ng team ng OLFU. Kaya win by default ang kanilang grupo.

Gayundin, ang NEUST Phoenix na win by default laban sa MVGFC Ambassadors. –Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *