Ella Joy Avellanoza, itinanghal na BB. Talavera 2015

Ihahanda narin ni Avellanoza ang kaniyang sarili para sa Bb. Nueva Ecija na siyang magiging representative ng Bayan ng Talavera.

Ang pinagtuunan ng pansin ngayon para sa  Bb. Talavera 2015 ay “Beauty, Brain with a cost” o ang pagtulong sa mamayan ng talavera.

Nagpatalbugan sa Coronation Night ang mga kandidata sa pagrampa ng kanilang Swimsuit attire at Long gown.

Naawardan bilang Ms Donnas Dental Clinic si Candidate No. 9 Rochelle Anne Baguisa.

Ms BDO naman si Justine Lubguban, Ms Production Number at Ms Photogenic naman si Candidate no. 4 Frances Irish Salazar, Ms Tropical Garden Resort naman si Dyane Onera Candidate no. 15, Ms Close Up Smile at Ms Avon award naman ang nasungkit ni Franz Paula Cabacungan, Ms Friendship si Candidate no. 11 Rose Marie Leabres, Hakot award namn si Candidate no. 3 Shizuka Miyamori,nakuha naman ni Candidate no. 17 ang Ms. TM award, Bb. Body Beautiful si Candidate no. 10 Leynilyn Naco, Ms. Professional Candidate no. 1 Kimberly Manuel,Ms Ivans Amusement si Candidate no. 12 at 16 , Ms Charity Works at Ms skin Blend  naman para kay Candidate no.2 Camille Talampas,Darling of the Crowd si Candidate no. 5, si Candidate no. 13 naman bilang Ms sensodol , Ms. I-white korea si Cathe Cuaresma, at iba pang mga awards na ipinamahagi ng naturang pageant.

Mula sa 17 kandidata ay pumili pa muli ng magic 10 at pasok dito sina candidate no.13, 12, 15,10,9,8,6,17,3, at 4.

Samantala Pasok sa top 5 sina candidate no. 3, 17, 13, 4 at 8.

Naipakita rin ng mga kandidata ang kanilang talino sa pagsagot ng bawat katanungan sa Question and Answer portion. Sa magaling na pagsagot ni Candidate no. 13 ay lalo itong nagpakita na hindi lamang ganda mayroon siya kundi may talinong taglay sa pagsagot sa naging tanong sa kaniya na “Despite of tha chaos that is happening in our country what do you think is the relevance of winning this pageant?”

Nakapiling naman ng lahat ng dumalo hanggang sa matapos ang coronation night ang kanilang masipag na Mayor na siyang nagpasalamat sa lahat nag nakiisa sa gabing iyon

Nagbigay naman ng mensahe si Ella Avellanoza sa mga nagnanais sumabak sa ganitong klase ng laban.

Nasungkit ni Candidate no. 8 Franz Paula Cabacungan ang ika-apat na pwesto,3rd runner up nman si Shizuka Miyamori, 2nd runner up ang nasungkit ni Frances Irish, !st runner up si Justine Lubguban at ang naguwi ng titulo ay si Ella Avellanoza. -Ulat ni Bituin Rodriguez


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *