Employees’ Day ng pamahalaang panlalawigan, umulan ng papremyo!

Nakatanggap ng limpak-limpak na salapi ang mga kawani ng kapitolyo mula sa ibat-ibang departamento sa pagdiriwang ng 199th Philippine Civil Service Anniversary noong nakaraang September 18, 2019 na ginanap sa Lungsod ng Palayan.

Raffle promo mula sa pamahalaang panlalawigan, naiuwi ng mga kawani ng kapitolyo

Ang mga maswerteng permanent employees, contractuals at job orders na nabunot sa raffle ay nakapag-uwi ng cash prizes na nagkakahalaga ng 5, 000.00 pesos, 10, 000.00 pesos at 15, 000.00 pesos; habang ang iba ay pinagkalooban ng saku-sakong bigas at flat screen tv.

Sa singing contest na“The Voice” season 2.0 itinanghal na grand winner si Gielyn Macaraig mula sa Provincial Engineering Office na kumanta ng awiting “Musika ang buhay na ating tinataglay” na tumanggap ng tumataginting na 20,000 pesos cash.

Tabla naman ang naging desisyon ng mga hurado sa pagpili ng 1st runner-up na nakakuha ng score na 92.66%.

Parehong pinagkalooban ng tig sasampong libong piso sina Joshua Matias ng Provincial Tourism Office at Noramyn Santos na mula naman sa Environment and Natural Resources Office.

Ang pitong kalahok na hindi pinalad na magwagi ay hindi naman umuwing luhaan dahil nakatanggap sila ng consolation prize na tig-dadalawang libong piso.

Naghandog din ng pampasiglang bilang ang mga hepe ng mga departamento at tanggapan ng pamahalaang panlalawigan.

Maging ang ama ng lalawigan Governor Oyie Umali at Vice Governor Anthony Umali ay nagpamalas din ng talento sa pagkanta at pagsayaw. Kumpleto ang kasiyahan ng mga empleyado ng kapitolyo dahil hindi lamang mga papremyo ang ipinamigay nina Governor Oyie Umali at Vice Governor Anthony Umali kundi maging free medical check-up at pampering services. Ulat ni Myrrh Guevarra


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *