ESTRATEHIYA NI PNP CHIEF MARQUEZ SA NUEVA ECIJA, IPATUTUPAD SA HALALAN 2016

PNP Chief Gen. Ricardo Marquez with Nueva Ecija PD Manuel Cornel and Chiefs of Police.
PNP Chief Gen. Ricardo Marquez with Nueva Ecija PD Manuel Cornel and Chiefs of Police.

Subok na epektibo umano ang ipinatupad na estratehiya ni Philippine National Police Chief General Ricardo Marquez sa halalan noong taong 2010 sa ilalim ng kanyang panunugkulan bilang Provincial Director ng Nueva Ecija Police kaya inaasahang gagawin niya rin ito sa darating na eleksyon sa 2016.

PNP Chief Marquez during an interview with the Nueva Ecija local media.
PNP Chief Marquez during an interview with the Nueva Ecija local media.

Matatandaan na noong 2009 kinilala ang NEPPO bilang Model Provincial Police Office sa buong Central Luzon  dahil sa pagsisikap ni PNP Chief General Marquez na maging payapa ang lalawigan sa panahon ng halalan na dating palaging kasama sa mga election “hot spots”.

Ayon kay PNP Chief Marquez, ibabatay niya ang ipatutupad na plano sa halalan sa susunod na taon sa kaniyang naging karanasan sa Nueva Ecija.

Paalala ni General Marquez sa kanyang mga kabaro, hindi dapat nakikisali ang mga pulis sa mga aktibidad ng mga political party para hindi magkaroon ng problema.

Kabilang sa mga paghahandang gagawin ng PNP upang matiyak na magiging maayos ang eleksyon sa 2016 ang threat assessment na magmumula sa mga PD at Chief of Police.-ulat ni  Clariza de Guzman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *