NECSL SEASON 4, MATAGUMPAY NA NATAPOS; WU-P RIDERS, HINAKOT ANG TATLONG TITULO

Doc Anthony Umali, nagbigay ng hudyat sa pagbubukas ng NECSL Season 4 na pinakaaabangan na liga ng mga kolehiyo at unibersidad.
Doc Anthony Umali, nagbigay ng hudyat sa pagbubukas ng NECSL Season 4 na pinakaaabangan na liga ng mga kolehiyo at unibersidad.

     Sa pagbubukas pa lamang ng NECSL Season 4 noong buwan ng Setyembre ay  nakitaan na ng determinasyon ang koponan ng 11 eskwelahan, upang makuha ang tropeo, hanggang sa pagtatapos ng kompetisyon ay nanatili pa rin sa mga manlalaro ang sigasig upang makapagbigay karangalan sa kani-kanilang mga inirerepresentang paaralan.

     Ayon kay NECSL Season 4 Commissioner Alvin Grey, masasabing maayos at mapayapa ang naging daloy ng palaro ng Pamahalaang Panlalawigan ngayong taon.

WU-P Riders

     Mula sa pormal na pagbubukas ng palaro ay namayagpag na ang Wesleyan University-Philippines sa pagkakauwi ng titulo ni Thaddy Mae Santos ng korona bilang Miss NECSL Season 4.

     Nangibabaw rin sa dance floor ang kanilang pambato sa dance sport na todo bigay sa pag-indayog ng iba’t ibang klase ng tugtugin at dance steps.

     Naghari rin sa basketball court ang Wesleyan Riders na nagpataob sa siyam na koponan mula sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo na kalahok sa naturang patimpalak.

     Nagpakita naman ng malaking suporta ang mga fans at supporters’ ng bawat koponan sa bawat laban ng kanilang kinabibilangang paaralan.

     Super proud naman ang mga mag-aaral ng Wesleyan sa nakamit na tagumpay ng kanilang naging pambato sa naturang kompetisyon.

     Nakamit naman ng CLSU Green Cobras ang 2nd place sa Men’s Basketball, 3rd place ang Midway Marshalls at 4th place ang CIC Kings.

     Habang napagtagumpayan naman ng CRT Blue Fox ang kampeonato  sa Women’s Volleyball na bigong talunin ng Wesleyan Riders sa finals, ang CIC Kings naman ang nakakuha ng 3rd place, habang nasungkit ng La Fortuna Spartans ang 4th place.

     Inaasahan naman umanong muling babalik sa court ang team ng NEUST Phoenix sa NECSL Season 5 sa susunod na taon.

     Labis naman ang pasasalamat ni Grey sa Pamahalaang Panlalawigan lalo na kina Governor Aurelio Umali at Congresswoman Cherry Umali sa patuloy na pagsuporta sa mga kabataang Novo Ecijano upang mapataas ang kasanayan ng mga ito sa larangan ng sports.- Ulat ni Shane Tolentino

CRT BLUE FOX, KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAONG MAGING KAMPEON SA NECSL WOMEN’S VOLLEYBALL

     Nagbunyi ang CRT Blue Fox sa kanilang kauna-unahang pagkakataong paghahari para sa Women’s Volleyball matapos talunin ang Wesleyan Riders noong November 5.

CRT BLUE FOX WOMEN’S VOLLEYBALL, NAGBIGAY NG KARANGALAN SA KANILANG ESKWELAHAN SA LOOB NG 26 NA TAON
CRT BLUE FOX WOMEN’S VOLLEYBALL, NAGBIGAY NG KARANGALAN SA KANILANG ESKWELAHAN SA LOOB NG 26 NA TAON

     Mahigpitan ang laban ng dalawang koponan sa Game 3. Simula umpisa hanggang sa huli, gigil ang mga manlalaro. Palitan lamang ang pagpuntos ng dalawang magkatunggali.

     Ang mga manonood tuloy, hindi magkamayaw sa paghiyaw para suportahan ang kani-kanilang koponan.

     Tulad ng nangyari sa Game 2 ng Finals, umabot pa rin ito ng limang set.

     Dahil sa dami ng nagawang errors ng Riders, sinamantala ito ng Blue Fox upang tuluyang umungos sa ika-apat na set.

     Pagsapit ng Set 5, hindi na pinaubra pa ng Blue Fox ang Riders.

     Dahil sa service error ni Santiago ng Riders, lalong tumaas ang tensyon sa loob ng gymnasium ng Araullo. At dahil sa pag spike ni Bautista, nakamit ng Blue Fox ang kampeonato.

     Bagaman wala ngayong taon na Cheerdance Competition kung saan sila ang back to back champion ay napalitan naman ito ng isang tagumpay na pinakahihintay nilang makamit sa loob ng 26 na taong pagkakatatag ng kanilang eskwelahan.

     Hinirang naman bilang Most Valuable Player ng NECSL Women’s Volleyball si Geraldine Bautista.

     Samantala, emosyonal ang mga manlalaro ng Riders sa kanilang pagkatalo.

     Matatandaan noong nakaraang taon, bigo rin ang Wesleyan Riders Women’s Volleyball na masungkit ang kampeonato.

     Gayunpaman, napabilang pa rin sa Mythical 6 sina Sanchez at Salas ng Riders kasama sina Cachero ng CRT, Santos ng CIC at Espenido ng La Fortuna.

     Nasungkit naman ng CIC Kings ang ikatlong pwesto at ika-apat na pwesto ang La Fortuna Spartans. – Ulat ni Shane Tolentino

WU-P RIDERS, BACK-TO-BACK CHAMPION SA NECSL MEN’S BASKETBALL

Wesleyan University-Philippines, muling nagkampeon sa NECSL; CLSU, tinalo 73-66
Wesleyan University-Philippines, muling nagkampeon sa NECSL; CLSU, tinalo 73-66

     Back to back champion sa men’s basketball ng NECSL ang Wesleyan University Philippines matapos pataubin sa pangalawang pagkakataon ang Central Luzon State University kahapon (November 4) sa iskor na 73-66.

     Home court advantage na sana ng CLSU Green Cobras ngunit bigo pa rin na talunin ang Wesleyan Riders.

     Dikitan ang naging laban sa 1st half hanggang sa magtapos ito sa iskor na 28-32.

     Pagtuntong ng 3rd quarter, umungos ang CLSU at tinambakan ang Wesleyan ng 11 puntos.

     Ngunit sa pagtatapos ng 3rd quarter, bumaba sa 3 ang lamang ng CLSU, 56-53.

     Agad naman itong hinabol ng Wesleyan at bumawi sa 4th quarter.

    Sa last 2 minutes, 62-67, tuluyan ng iniwanan ng Wesleyan ang CLSU. Sunud-sunod na pag-foul ang ginawa kay Tadeo dahilan upang mas lumaki ang lamang ng Wesleyan.

Jeoffrey Tadeo, back-to-back MVP ng NECSL
Jeoffrey Tadeo, back-to-back MVP ng NECSL

     Muling itinanghal na Most Valuable Player si Jeoffrey Tadeo na nakapagtala sa kabuuan ng 244 points.

     Abangan ang kabuuang laban ng NECSL SEASON 4 Championship Men’s Basketball sa weekend ganap na alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon dito lamang sa inyong kaibigan TV 48.- Ulat ni Shane Tolentino

Roxanne Umali, itinanghal bilang Bb. Nueva Ecija 2015

Naiuwi nang Binibini ng Lungsod ng Cabanatuan, na si Roxanne Umali ang korona bilang Binibining Nueva Ecija 2015 na ginanap sa Convention Center, Palayan City.

23 KANDIDATA, NA SUMAYAW SA KANILANG PRODUCTION NUMBER.
23 KANDIDATA, NA SUMAYAW SA KANILANG PRODUCTION NUMBER.

Sa simula pa lamang, ay umalingawngaw na sa buong Convention Center ang hindi magkamayaw na paghiyaw ng mga supporters sa dalawamput tatlong kandidata na sumayaw sa kanilang Production Number.

Uminit ang buong entablado nang isa-isa ng lumubas ang mga nagseseksihang kandidata suot ang kanilang swimsuit.

Lumutang naman ang kagandahan ng bawat kandidata sa pagsuot ng Modern Filipiniana. Habang nag pagandahan sa pagindayog ng baywang ang mga kalahok sa pagrampa ng kanilang Long Gown.

Habang nag pagandahan sa pagindayog ng baywang ang mga kalahok sa pagrampa ng kanilang Long Gown.

Umaapaw sa dami ng Minor Awards ang nasabing patimpalak, mula sa iba’t-ibang pribadong kumpanya sa lalawigan.

Ayon kay Dr. Benjamin Lopez, Chairman ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija, sa buong kasaysayan ng Binibining Nueva Ecija ay ngayon taon ang isa sa pinakamaraming sumuporta na sponsors.

Kabado at makapagil hininga na, ng isa-isa ng tawagin ang mga kalahok na pasok sa Top 10, na kinabilangan nila Candidate No. 12, 21, 19, 11, 17, 22, 15, 8, 18 at 20.

 

Mas tumaas pa ang tensyon, ng salain na sa lima ang mga kalahok, na napagtagumpayan na makapasok nila Candidate Number 15, 8, 19, 11 at 18.

Binibining Nueva Ecija 2013 Nicca Apan, habang isinasalin kay Binibining Nueva Ecija 2015 Roxanne Umali ang korona.
Binibining Nueva Ecija 2013 Nicca Apan, habang isinasalin kay Binibining Nueva Ecija 2015 Roxanne Umali ang korona.

Sa Question and Answer Portion, isa-isa ng sumalang sa pagsagot ang limang kandidata, sa mga tanong na ibinigay mismo ng mga hurado.

Bago ihayag ang mga nanalo ay binigyang muli ng pagkakataon na makaapak sa entablado suot ang kanilang korona, ng mga binibining nagwagi noong taon 2013, para sa kanilang Farewell Walk.

Sa huli, itinanghal na Binibining Turismo si Candidate No. 15 Majeda Lorenz Briggs ng lungsod ng palayan, na nakuha ang ika-apat na pwesto. Habang, 3rd runner up si Candidate No. 11, Mara Pangilinan ng Gapan City. Second runner up si Candidate No. 8, Ciryl Luciano ng Bayan ng Sta Rosa. First runner up si Candidate No. 19 Nicca Angela Fider ng Lungsod ng San Jose. At ang nagtagumpay na maiuwi ang korona ng gabing iyon, ay si Candidate No. 18 Roxanne Umali ng Cabanatuan City.

Isa si Umali sa mga nangibabaw sa pagsungkit ng mga Minor Awards bilang Ms. Avon, Ms. close-up smile, Ms. sunsilk, Ms. unilever at ang Best in Long Gown.

Lubos naman ang pasasalamat ni Tina Wycco, Provincial Tourism Officer sa lahat ng mga tumulong upang mabuo at maging matagumpay ang Binibining Nueva Ecija 2015.-Ulat ni Danira Gabriel

Binibining Nueva Ecija 2015 Dobol P People’s Choice Award

Binibining Nueva Ecija 2015 Dobol P People’s Choice Award

Online Voting Mechanics

1. I-like ang DOBOL P – PHILIP PICCIO OFFICIAL FACEBOOK FAN PAGE

2. I-click ang link ng BB. NUEVA ECIJA 2015 PEOPLE’S CHOICE AWARD

3. Iboto ang inyong mga paboritong kandidata

4. Ang botohan ay hanggang August 29, 2015, alas otso ng gabi (8:00pm)

5. Ang kandidatang may pinakamataas ng bilang ng boto ay tatanghaling Dobol P People’s Choice Award na iaanunsyo sa gabi ng koronasyon ng Bb. Nueva Ecija 2015 sa September 1, 2015

Ang resulta ng Online Poll ay eksklusibo sa Dobol P People’s Choice Award at hindi makakaapekto sa final standings ng mga kandidata sa kompetisyon