Export quality na mga jewelry box at kahon na gawa sa papel, ipinagmamalaki sa Peñaranda

Export quality at murang mura ganyan inilarawan ni Alma Velio ng LJRM Enterprise  ang kanilang mga produkto na mga jewelry boxes at kahon na gawa sa papel at karton na may iba’t ibang disenyo.  Hand painted din ang ilan sa mga boxes na gawang Penaranda, Nueva Ecija.

LJRM Enterprise, matatagpuan sa bayan ng Peñaranda

Inilipat sa Peñaranda ang pagawaan nito upang makatulong sa mga mamamayan ng Peñaranda. Naka suporta rin ang DTI Nueva Ecija sa LJRM enterprises na isa sa mga micro small medium enterprises (MSME) na ginagabayan ng DTI upang mapalago ang kanilang hanap buhay.

Ang maliliit na jewelry box ay nagkakahalaga ng mahigit 20 hanggang  25 piso lamang na mayroong iba’t ibang disenyo at mga waterproof tissue box na nag kakahalaga ng mahigit 85 pesos lamang. Tumatanggap din ang LJRM ng mga resellers na makukuha ang mga produkto sa mas mababa pang halaga. – Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *