Extension ng Landbank of the Philippines, binuksan sa Palayan City; Gov. Cherry Umali, buena manong kliyente

   Operational na ang Extension Office ng Landbank of the Philippines na pormal na binuksan kahapon sa Palayan City, na kauna-unahang Commercialized Bank na naitayo sa naturang Lungsod.

   Ayon kay Assistant Vice President Aurelio Bagaoisan ng Landbank Cabanatuan, ito ay Soft Opening pa lamang ng Landbank Palayan Extension Office at sa susunod na taon gaganapin ang Grand Opening nito.

Buena manong kliyente si Governor Cherry Umali ng binuksang Extension ng Landbank of the Philippines sa Lungsod ng Palayan.
Buena manong kliyente si Governor Cherry Umali ng binuksang Extension ng Landbank of the Philippines sa Lungsod ng Palayan.

   Ang naturang Tanggapan ay cover ng Landbank Cabanatuan at si Bagaoisan din ang naitalagang Tagapamahala dito.

   Ikinatuwa nito ang pagdating at pagsuporta ni Gov. Czarina “Cherry” Umali, na siyang naging Buena manong kliyente dito.

   Kabilang din sa mga nagsidalo at nagpakita ng suporta ay sina Palayan City Mayor Adrianne Cuevas, Provincial Treasurer Rosario Rivera, Provincial Agriculturist Serafin Santos, ilang Lanbank Branch Managers sa Lalawigan at marami pang iba.

   Kasabay nito ay iginawad ng Landbank ang cheke na nagkakahalaga ng isang daang libong piso kay Gov. Umali bilang ayuda sa mga magsasakang nasalanta ng mga kalamidad.

   Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng tulong ang Landbank sa Provincial Government para sa Financial Assistance. –Ulat ni Jovelyn Astrero


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *