Face mask sa Nueva Ecija, nagkaubusan na

Dahil sa takot at pangamba sa pagpasok ng Novel Corona Virus sa Pilipinas, naging alerto at naniguro ang ilang mga Novo Ecijano kaya naman bilang proteksyon ay minabuti nila na bumili ng face mask.

Marami rin sa mga estudyanteng mula sa Wesleyan University at Nueva Ecija Gigh School ang aming nahingan ng pahayag ukol sa kanilang pagsusuot ng facemask.

Ayon sa mga ito, gumamit na rin sila dahil ang ilan sa kanila ay mayroon ng mga sintomas ng virus kagaya ng ubo at sipon.

Ng aming ikutin ang mga tindahan at butika sa Cabanatuan ay halos ubos at wala ng mabibiling facemask.

May ilan naman na nag-oorder online ngunit hindi narin sila nakabili dahil naubusan na raw ang mga ito ng mga supply.

Sa aming panayam kay Division Chief Romeo Faronilo ng Department of Trade and Industry-Nueva Ecija, walang anumang panic buying na nangyari sa lalawigan dahil ay limited stocks lang ang mga ibinebentang surgical mask at N95 sa mga tindahan at botika kaya mabilis na nasold out o naubos ang mga paninda.

Kahapon naman sa ika-dalawamput dalawang episode ng usapang malasakit sa lipunan ay napag-usapan ang paggawa ng facemask  ng mga kababaihan sa ako ang saklay Inc., na isa sa mga naging tulong na ipinagkaloob nila sa mga naapektuhan ng pagsabog ng bulkang taal.

Bunsod ng pagtaas ng demand sa facemask dito sa lalawigan at nagkakaubusan na sa mga tindahan o botika ay naisipan nilang gumawa ng mas marami para ibenta sa mga Novo Ecijanong nangangailangan nito.

Ang facemask ay gawa sa cotton na tela na nilagyan ng absorbent sa loob kaya naman maaari itong labhan upang muling magamit, nagkakahalaga ito ng tatlumpong piso bawat isa.

Kaugnay nito ay ang pagbibigay ng paalala ng Department of Health na ugaliin laging maghugas ng kamay at magsuot ng facemask bilang panangga kung sakaling may makasalamuhang tao na may mga sintomas ng corona virus.Ulat ni Myrrh Guevarra


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *