Faith leaders sa Nueva Ecija, nanalangin kontra sa iba’t ibang mga kalamidad

Inanyayahan ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Aurelio Umali ang mga namumuno sa iba’t ibang mga simbahan sa Nueva Ecija sa ginanap na  flag raising ceremony sa New Capitol Palayan City  kahapon February 17, 2020.

Bunsod ito ng mga kalamidad na nararanasan sa buong mundo kabilang ang ating bansa.

Ayon sa gobernador, naniniwala siya na ang problemang kinakaharap  ng lahing Pilipino ay magkakaroon ng solusyon kapag humihingi tayo ng tulong at nanampalatay sa Poong Maykapal.

Sa panalangin nila Father Aldrin Domingo ng Diocese ng Cabanatuan City at Bishop Roberto Mallari ng Diocese ng San Jose City at ni Pastor Jason Candelaria ng Victory Christian Fellowship inihingi nila ng awa mula sa Panginoon ang mga taong patuloy na humahanap ng lunas para sa Coronavirus Disease 2019 at mga biktima ng Polio Virus. 

As of yesterday ay mayroong 171 Persons Under Investigation sa Pilipinas , samantala may isang kaso ng polio ang naitala ditto sa Nueva Ecija.

Ipinagdasal naman ni Pastor Donato Atienza ng Evangelical Methodist Church na nawa ang bawat isa ay lumapit sa Panginoong Hesus upang humingi ng patnubay sa kanilang buhay at ilayo sila sa mga karamdaman.

Habang dalangin ni Pastor Rommel Cariñoso ng Jesus Salvation to All Men Church ang gabay ng Panginoong Diyos sa kinakaharap na mga suliranin ng mga Novo Ecijano katulad ng Rice Tariffication Law, African Swine Fever, pagsabog ng Bulkang Taal at COVID-19

Sa kasalukuyan ay nakababa na sa Alert Level 2 ang Bulkang taal, habang idineklara naman ang state of calamity sa dalawang barangay sa Davao na tinamaan ng ASF. – Ulat ni Amber Salazar

Watch – Faith leaders sa Nueva Ecija, nanalangin kontra sa iba’t ibang mga kalamidad


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *