Farmer Beneficiaries, Nagpasalamat sa pag-alalay sa kanila ng Provincial Food Council

Kung bagsak ang presyo ng palay ay paniguradong lugmok din ang buhay ng mga magsasaka, ito ang hinaing ni tatay Marciano Rodriguez ng barangay Barlis, Cabanatuan city, kabilang sa mga nabilhan ng palay ng pamahalaang panlalawigan.

Kaya naman para sa pamilya Rodriguez, napakalaking biyaya para sa katulad nilang mahirap na magsasaka ang pagkakabuo ng Provincial Food Council na umalalay sa kanila sa panahon ng pagbagsak ng presyo ng palay.

Inaning palay ni tatay Marciano Rodriguez ng Sto. Tomas Penaranda,
nabili ng provincial government ng P14.50

Nabili ang aning palay ni tatay Marciano sa halagang P14.50 mas mataas kumpara sa p12.00 na umiiral na kalakarang presyo ng palay sa bukid sa kasalukuyan sa Cabanatuan.

Aniya, kung hindi dahil sa provincial government ay malamang na wala silang maipambabayad ng utang at maihahain sa kanilang hapagkainan.

 Tatay George Gonzales ng Sto. Tomas Penaranda, malaki ang pasasalamat kay Governor Aurelio Umali sa pagkakabuo ng Provincial Food Councial

Nais din na ipahatid ni tatay George Gonzales ng Sto. Tomas penaranda ang kanyang taos pusong pasasalamat sa ama ng lalawigan Governor Aurelio Umali sa pagbili nito ng ani ng mga magsasaka sa lalawigan.

Umani ito ng one hundred fifty cavan ng palay at nabili ng pamahalaang panlalawigan ang one hundred ten cavan ng palay at ang natira ay ipabibigas aniya nito para sa kanilang pang araw-araw.

Binili ng provincial government ang kaniyang ani sa halagang p13.50 mas mataas sa kalakarang presyo ng palay sa kanilang lugar na pumapatak lamang ng onse hanggang dose pesos.

Hindi rin naiwasan ibulalas ni tatay George ang galit nito sa Rice Tarrification Law, dahil ayon sa kaniya ito raw ang pumapatay sa mga mahihirap na magsasaka sa lalawigan. ulat ni Myrrh Guevarra

https://youtu.be/__43xjwcGhc


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *