Federalismo, tinalakay sa VMLP Conference ng Region 3

   Tinalakay sa 4th quarter ng Vice Mayors League of the Philippines (VMLP) Region 3 ang sistema na mayroon sa Federalismo na itinutulak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

   Inilatag ni Legal Consultant Atty. Genaro Moreno sa mga Bise Alkalde  ng Central Luzon ang sistemang mayroon sa Federalismo sa 4th quarter ng Vice Mayors League of the  Philippines (VMLP) Conference-Region 3.

  Ayon kay Atty. Moreno, walang dapat ikalito o ipangamba sa Federalismo dahil natatanging ang congress lamang ang mababago kapag naipatupad ito.

   Ang Federalismo ay nahahati sa dalawang uri ng gobyerno ang Central o Federal Government at mga State Government. Sa Pilipinas, ang National Capital Region ang magiging Central Government at ang mga rehiyon sa bansa ay magiging State Government.

   Sa sistemang Federalismo, may otonomiya ang bawat estado. May kapangyarihan  ang bawat estado na gumawa ng sariling batas, mangolekta ng sariling buwis at gumawa ng mga proyektong mas alam nilang makakabuti sa kanila.

   Makikita dito ang mga bagay na maaaring legal sa isang estado pero ilegal naman sa iba. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang bansang Amerika, Canada, Australia, Brazil, India at Malaysia

   Sa ngayon, ay patuloy pa ding pinag-aaralan ni VMLP Region 3 Chairman Anthony Umali kung papaburan o hindi ang federalismo sa rehiyon. -Ulat ni Danira Gabriel

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *