Final four sa NECSL Season 8 Men’s Volleyball, kilalanin!

Siguradong magandang laban ang ipapamalas ng apat na koponan na nakapasok sa semi finals ng Men’s Volleyball sa Nueva Ecija Collegiate Sports League o NECSL Season 8.

Para sa unang game ng end of quarter finals kahapon, November 6, 2019, na ginanap sa NEUST Gymnasium hindi na pinasingit ng NEUST Pheonix ang WU-P Riders na pumangatlong set pa sa iskor na 25 – 21 at 25 – 17.

(NEUST Pheonix vs. WU-P Riders)

Nanguna sa Pheonix si Soriano na nakapagtala ng kabuuang 13 points kung saan anim dito ay atake, apat na blocks at dalawang service aces.

Sa kabuuan ng team standing ay Top 2 ang naturang koponan na may apat na panalo at isang talo.

Sa ikalawang laban naman na nasungkit ng CRT Blue Fox kontra MVGFC Ambasssadors at may 25 – 19, 25 – 20 na iskor para sa dalawang set  ay bumomba si Player #13 sa katauhan ni Juliano na nakakuha ng total of 12 points na binubuo ng anim na atake, apat na blocks at dalawang service aces.

Top 4 ang standing ng Blue Foxes na may iskor na 2-3 win-loss.

(CRT Blue Fox sa kanilang pagkapanalo kontra MVGFC Ambassadors)

Naging dikit naman ang banggaan ng Riders kontra Ambassadors sa 1st set ng kanilang laro kung saan pumuntos ito ng 25-23 habang tinambakan naman sila ng Riders sa ikalawang set na nagtapos sa 25-11. 

Ang nangunang manlalaro para sa Riders na Top 3 sa semis ay si Santos, Number 1 sa jersey na kumolekta ng anim na atake, tatlong blocks at dalawang service aces.

At sa ika-apat na game ay tinambakan naman ng Pheonix ang Midway Vikings sa dalawang set nito kung saan nakapagtala ng iskor na 21 – 12 at 21 – 11.

(NEUST Pheonix vs. Midway Vikings)

Samantala, nag Top 1 naman sa win-loss standing ang CLSU Green Cobras na may 5 – 0 score at itinuturing na pinakamalakas na koponan dahil bukod sa wala itong talo ay sila ang itinanghal na kampeon sa Men’s Volleyball. –Ulat ni Jessa Dizon


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *