Food for Work Program, Ibinaba sa 500 mamamayan ng Gabaldon

Ibinaba ng Department of Social Welfare and Depelopment Region 3 ang Food for Work Program sa 500 mamamayan ng Gabaldon kung saan ang dalawang araw na community service ng mga mamamayan ay binayaran sa pamamagitan ng pagbibigay ng food packs.

Iniabot ni Governor Aurelio Umali at Mayor Jobby Emata sa 500 napiling benepisyaryo ng Food for Work program ang kahon ng pagkain na naglalaman ng 6 na kilong bigas, mga de lata at kape nitong lunes, March 9 sa Bayan ng Gabaldon.

Ang 500 pamilya na napili ay base sa Listahanan 2 ng Department of Social Welfare and Development Region 3 na naglalaman ng impormasyon kung sino ang mga mararalitang mamamayan sa bawat barangay.

Isa sa mga nakatanggap ng food pack si Tatay Manuel Aquino na bagaman may kapansanan ay napag tulungan nilang mag asawa na mag linis sa gilid ng kalsada para makumpleto ang dalawang araw na community service.

Ito na ang pangalawang Food for Work Program ng DSWD Region 3 sa bayan ng Gabaldon ngayong taon dahil sa ayuda ni Governor Oyie Umali.

Nitong Enero ay kasama ang Gabaldon sa 3 Bayan sa Nueva Ecija na nabigyan ng kabuoang 1,300 kahon ng pagkain mula sa Food for Work program na inilaan naman para sa mga Indigenous People at Rebel Returnees.

Nagpaabot ng pasasalamat si Mayor Jobby Emata kay Governor Aurelio Umali dahil lagi aniyang naaalala ang Bayan ng Gabaldon na isama sa mga programa ng National at Provincial Government Sa mensahe ni Governor Oyie inilahad nito na ang Food for work program ay isang programang inilaan ng Pamahalaang nasyunal upang maipaabot ang tulong sa mga mararalitang mamamayan na higit na nangangailangan nito- Ulat ni Amber Salazar

Wacth – Food for Work Program, Ibinaba sa 500 mamamayan ng Gabaldon


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *