Former 3rd District BM Doc Anthony Umali, Nagdeklara Na ng Laban sa Lungsod ng Cabanatuan

Ang grupo ng “Laban Cabanatuan” kasama ang Nueva Ecija Press Club Inc.
Ang grupo ng “Laban Cabanatuan” kasama ang Nueva Ecija Press Club Inc.

Idineklara na ni dating 3rd District Board Member Doc Anthony Umali ang kanyang patuloy na serbisyo at laban sa Cabanatuan City sa harap ng mga mamamahayag sa ginanap na forum para sa pagsalubong sa nalalapit na ika-animnapong anibersaryo ng pagkakatatag ng Nueva Ecija Press Club Incorporated.

Kasama ng grupong “Laban Cabanatuan” na binubuo ng mga mga miyembro ng lokal na partidong Unang Sigaw, inihayag ni Doc Anthony Umali ang kanyang paninindigan at prinsipyo na ipaglalaban ang kapakanan ng mamamayan.

Nagdeklara na si Doc Anthony Umali ng kanyang patuloy na laban sa lungsod ng Cabanatuan sa harap ng mga mamamahayag.
Nagdeklara na si Doc Anthony Umali ng kanyang patuloy na laban sa lungsod ng Cabanatuan sa harap ng mga mamamahayag.

 

Isa-isang sinagot ng grupo ang mga kontrobersyang ibinabato sa kanilang partido kabilang na ang isyu tungkol sa kung sino ang kakandidato sa mga posisyon partikular ang umugong na intrigang hindi na tatakbo si Konsehal Jan-Jan Cecilio kung hindi rin lang Vice Mayor ng Cabanatuan.

Nilinaw ng “Laban Cabanatuan” na ang bawat miyembro ng kanilang grupo at partido ay nakahandang magsakripisyo at magparaya para sa taong bayan .

Tulad na lamang ni Bokal Nero Mercado ng ikatlong distrito na nakahandang bumaba ng tatakbuhang pwesto.

Bagaman hindi tahasang sinabi ni Doc Anthony na sa lungsod siya ng Cabanatuan kakandidato sa darating na local elections ay ipinahiwatig naman nitong hindi nya pababayaan bagkus ay patuloy na ipaglalaban ang kalayaan ng mga Cabanatueño.- ulat ni Clariza de Guzman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *