Former Bayan Muna Representative Colmenares, tinalakay ang Rice Tariffication Law sa Irrigators Association ng Central Luzon

Tinalakay ni Fomer Bayan Muna Party-list Representative Neri Colmenares sa UPRIIS Confederation of Farmer – Irrigators’ Associations Incorporation.

Sa ginanap na Irrigators Forum sa San Mig Food Corporation sa Cabanatuan City, kahapon March 6, inilahad ni Senatorial Candidate Colmenares ang mga negatibong epekto ng pagsasabatas ng Rice Tariffication.

Isa na rito ang pagbaba ng presyo ng palay na malaunan anya ay lulumpo sa mga magsasaka, malulugi ng tuluyan ang mga magbubukid at tuluyan nang mawawala ang lokal na bigas at dadagsa ang imported na bigas.

Ibinulalas naman ng mga magsasaka mula sa UPRIIS Confederation of Farmer – Irrigators’ Associations Incorporation mula sa mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Tarlac at Nueva Ecija, ang kanilang mga hinaing tungkol sa Rice Tariffication Law.

Katulad na lamang ni Division III Farmer’s Federation Irrigators  – President Victor Hernandez, sinabi nito na lubos siyang  naaawa sa kapwa niya magsasaka na maliit lang ang sinasaka at hindi na mababawi ang puhunan  dahil sa baba ng presyo ng palay.

Sa kasalukuyan ay nasa labing apat na piso umano kada kilo ang presyo ng palay, higit na mas mababa ito kumpara nung nakaraang taon sa kaparehong buwan na nasa dalawampu’t isa hanggang dalawampu’t dalawang piso kada kilo.

Sa panayam kay Colmenares, inihayag nito na sa oras na pumasok na lahat ang imported na bigas mula sa Thailand at Vietnam sa bansa ay tiyak na mawawalan na ng pag-asa ang mga Pilipinong magsasaka.

Ang nakikita anya niyang solusyon ay ibasura ang batas na Rice Tariffication at bigyan ng gobyerno ng pondo ang NFA o National Food Authority para bilhin sa tamang halaga ang palay mula sa mga magsasaka.

  Komento nito na sa ngayon ay bilyun-bilyon  ang ginagastos ng gobyerno sa pag-aangkat ng bigas, mas pinayayaman pa umano nito ang ibang bansa kaysa sa mga magsasaka natin dito sa Pilipinas.

Samantala, mensahe ng mga magsasaka sa mga kongrsista ng Nueva Ecija na sumuporta kay Congresswoman Ria Vergara na may akda ng Rice Tariffication, na sana’y pinag-isipan muna ang epekto nito sa sector ng agrikultura lalo pa at tinaguriang Rice Granary ang ating lalawigan.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *