Fr. Abelardo ng Ako ang Saklay Inc., namahagi ng regalo

Labis ang tuwa ng mga senior citizens ng Barangay Luyos, San Antonio sa mga natanggap ng bigas, groceries at itlog sa isinagawang Gift Giving ng Ako ang Saklay Center.

                     Ito at bahagi ng pagdiriwang ng ikalabingpitong taong panunungkulan sa pagkapari ni Fr. Arnold Abelardo.

                     Bilang pasasalamat sa walang sawang pagtugon ni Fr. Abelardo sa kanilang mga nasasakupan na kapos palad sa buhay ay naghandog naman ng munting sayaw ang mga senior citizens.

Una na rito ay nagkaroon rin ng misa kasama ang mga senior citizens, mga kapitbahay at mga kasapi ng Ako ang Saklay  Center bilang pasasalamat sa mga biyayang ipinagkakaloob at ng poong may kapal sa kanilang komunidad.

                     Sa loob ng labingpitong taon ng pagkapari ni Fr. Abelardo ng Ako ang Saklay Center, ibinahagi nito ang kaniyang kasiyahan sa loob ng mahabang taon nitong paglilingkod sa kaniyang mga kababayan.

               Naging kabahagi rin ng nasabing programa ang Theta Alpha RHO ng Fraternity and Sorority na nag sponsor ng mga  bags, bimpo at mga pagkain na ipinamahagi naman sa mga kabataan.

               Matapos ang pamamahagi ng munting regalo para sa mga senior at mga kabataan ay nagkaroon ng munting salo-salo ang bawat isa.

Lubos ang pasasalamat ni Fr. Abelardo sa ama ng lalawigan Governor Aurelio Umali sa patuloy nitong pagsuporta at malasakit sa bawat novo ecijano. Ulat ni Myrrh Guevarra

Watch- Fr Abelardo ng ako ang saklat inc, namahagi ng regalo


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *