Free wifi, malinis na banyo at breast feeding stations sa transport terminals, isa ng batas

Sa bagong batas na pinirmahan ni Pang. Rodrigo Duterte ay kinakailangan ng magkaroon ng malinis na banyo, libreng internet access at breastfeeding station sa mga terminals sa bansa.

Sa mga terminal at operator na lalabag sa batas na ito, kinakailangan nilang magbayad ng P5,000 sa bawat araw na hindi naisasaayos ang kanilang terminal. Sa mga maniningil naman sa paggamit ng banyo, karagdagang P5,000 ulit ang sisingilin sa bawat araw na ginagawa nila ito.

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/06/20/1928067/free-internet-sa-lahat-ng-transport-terminal-batas-na


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *