Freestyle, pinakilig ang 800 Novo Ecijano sa kanilang Post-Valentine Concert

Balik 90’s ang vibe ng Post- Valentine concert ng Freestyle na ginanap sa Waves Bar and Grill. Nasa  mahigit 800 katao ang nanood sa All You Need is Love Post Valentine concert ng Freestyle kasama ang ilan sa mga banda ng Nueva Ecija.

ALL YOU NEED IS LOVE POST VALENTINE CONCERT NG FREESTYLE, DINAGSA NG MAHIGIT 800 KATAO

Ramdam ang tamis ng pag-ibig sa  Post-Valentine concert ng Freestyle sa Waves bar and Grill. Gabi-gabing mayroong live performance sa Waves Bar and Grill na bukas araw-araw mula  5 pm   hanggang   2 AM. Balik valentine’s day nanaman dahil sa mga love songs na pinasikat ng bandang freestyle katulad ng So Slow, ‘Till i Found you, Before I let you go at marami pang iba

Sold out ang naging concert at umabot sa mahigit 800 ang mga nanood. Kaya naman nagpapasalamat ang Freestyle sa mainit na pag tanggap ng mga Novo Ecijano. Bukod sa freestyle ay nag perform din ang mga Local bands ng Nueva Ecija na regular band ng Waves Bar and grill  bilang front act ng Freestyle.

Post Valentine Conert ng Freestyle, Sold Out

-Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *