Full Corn Moon, magbibigay liwanag sa kalangitan sa darating na Setyembre

Maghanda na ang mga moon lovers sa darating na September, 2020 upang tunghayan ang liwanag at ganda na ipamamalas ng Full Corn Moon o Harvest Moon.

Sisilip na ang naturang pagbilog ng buwan sa unang araw pa lamang ng Setyembre ngunit asahan na mas magliliwanag pa ito sa 1:23 ng madaling araw sa September 2, 2020.

Mayaman sa history ang Corn Moon dahil ito ang ginagamit ng mga sinaunang magsasaka para malaman ang panahon kung kaylan aanihin ang kanilang mga pananim.

Ayon sa The Old Farmer’s Almanac na ang mga Native Americans ang nagbigay ng pangalan sa naturang buwan dahil ito ang sinusundan nila para malaman kung nalalapit na ang anihan.

Tinawag itong Corn Moon dahil ito ang panahon na umaani ng mais ang mga taga North Eastern United States at kilala rin ito bilang Barley Moon dahil ito rin ang panahon na inaani Barley.

Kada taon, kadalasan na sa buwan ng Setyembre lumalabas ang Harvest Moon.

Tinatawag na September equinox ang panahong ito dahil sa buwan na ito malapit direktang nasisinagan ng araw ang ekwador ng mundo at magkasing haba rin ang araw at gabi.

Gayon pa man ay nagbabago ang buwan ng Harvest Moon kada tatlong taon at nalilipat sa buwan ng Oktubre imbes na September.

Sa kabila ng ganda ng at liwanag na ibinibigay ng kabilugan ng buwan ay mayroon namang paniniwala ang mga matatanda gaya ng masama itong duruin o ituro dahil naghahatid ito ng kamalasan sa sino mang gagawa nito.

Bukod pa rito ay hindi rin daw maganda ang epekto ng full moon sa mga maysakit na titingin ng direkta rito dahil lalo raw lalala at mas magtatagal pa ang sakit nito. Ulat ni Belle Ramirez


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *