Fund Raising Concert, Isinagawa upang makapagtayo ng bahay sambahan

Nakiisa ang mahigit apat na daang Papayanos at ibat- ibang denaminasyon ng simbahan sa idinaos na religious Fund Raising Concert na may temang “Dream and Make it Happen” sa Papaya Sports Center sa bayan ng General Tinio nitong December 2, 2018.

Sa pagsisimula ng programa, nagpasiklab ang mga drummers, gitarista at piyanista ng  isang matinding performance na sadyang kinawilihan ng mga manunuod.

Mas lalo namang pinasigla ang gabi ng mga masasayang Praise and Worship Songs at hataw na pagsayaw ng mga  kabataan gamit ang kani- kaniyang tambourine.

Sinuportahan naman ng buong pamilya ni Rowena Martinez ang nasabing concert dahil maganda na magkakasama aniya ang bawat magkakapamilya sa ganitong mga religious event at nakagagaan ito ng kalooban kung may mga suliranin na pinagdaraanan.

Dagdag pa niya, nagpapasalamat siya sa punong bayan ng Gen. Tinio, dahil maging sa espiritwal na aspeto ay natutulungan sila nito.

Bukod dito, nagbigay din nang  natatanging bilang ang iba pang mga mang-a-awit  na sina Zaldy Carlos ng Pilipinas Got Talent Season 2 at the Voice Philippines Season 1 contestant na si Gabriel Ramos.

Bago matapos ang programa ipinahatid naman sa madamdaming pagtatanghal ng hand pantomimes ang mensahe na walang imposible sa Diyos kung maniniwala lamang.

Pinangunahan nina Pastor Joey  Mujar at ni Mayor Melvin Pascual ng Gen. Tinio,  mga opisyal ng barangay at mga pastor ang pagoorganisa sa  naturang concert na may layunin din na maibahagi ang salita ng diyos at maipakita ang pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba ng relihiyon.    –Ulat ni Getz Rufo Alvaran

https://youtu.be/zNEHjDKVARw


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *