Gamot sa malaria, ginagamit panlunas sa COVID-19

Gumagamit umano ang mga ospital sa Pilipinas ng off-label drugs na Chloroquine at hydrochloroquine upang gamutin ang mga pasyente na nagpositibo sa coronavirus disease.

Kinumpirma ng Department of Health sa virtual press conference ang paggamit nito noong Miyerkules, April 15, 2020 .

Sa isang panayam kay Health Secretary Maria Rosario Vergeire ay sinabi nito na tinatawag itong off-label drugs sapagkat ito ay ginawa upang malunasan ang ibang mga sakit.

Dagdag pa ni Vergeire na ang Chloroquine at Hydrochloroquine ay gamot para sa malaria at rheumatoid arthritis at hindi maaaring bilhin sa kahit saang botika nang walang pahintulot ng registered physician.

Ang Hydrochloroquine ay inihahalo ng mga doktor sa azithromycin na ipinapainom sa mga tinamaan ng sakit na COVID-19.

Sa kabila nito ay nagbigay ng babala ang mga cardiologist sa paggamit ng mga naturang gamot sa mga pasyente na may sakit sa puso sapagkat maaari nitong mapataas ang panganib sa heart failure. Ulat ni Belle Ramirez


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *