GANDANG NOVO ECIJANA, WAGI SA MONTHLY FINALS NG GANDANG FILIPINA

   Nanalo sa Monthly Finals ang Novo Ecijana na si Myrrh Raquel Guevarra sa segment na Gandang Filipina sa programa na Wowowin.

Pasok sa Monthly Finals ang Novo Ecijana na si Myrrh Raquel Guevarra sa Gandang Filipina sa programang Wowowin 
Pasok sa Monthly Finals ang Novo Ecijana na si Myrrh Raquel Guevarra sa Gandang Filipina sa programang Wowowin

   Lumutang ang ganda ng dalaga habang suot nito ang kulay puting swimsuit. Kasama na si Myrrh sa Grand Finals ng naturang kompetisyon.

   Si Myrrh ay naninirahan sa San Antonio dito sa Lalawigan ng Nueva Ecija. Sumali na din siya sa ilang beauty pageant dito sa probinsiya. Katulad nalang sa kanilang bayan, noong Enero ay nanalo siya bilang 4th Runner up sa Bb. San Antonio ngayong taong 2016.

   Si Myrrh Raquel ay kasalukuyang isa sa mga reporters dito sa istasyon ng TV 48.

   Kaya naman mga Novo Ecijano suportahanan natin ang pambato ng ating Lalawigan na si Myrrh Raquel Guevarra.

Suportahan ang Pambato ng Nueva Ecija sa Gandang FilipinaMyrrh Raquel Guevarra
Suportahan ang Pambato ng Nueva Ecija sa Gandang FilipinaMyrrh Raquel Guevarra

-Ulat ni Phia Sagat


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *