GIANT BAMBOO PLANTING PROGRAM NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN PARA SA BAYAN NG GABALDON, SINIMULAN NA

     Naniniwala ang ama ng lalawigan na si Governor Oyie Umali na malaki ang maitutulong ng pagtatanim ng kawayan sa pagpapagandang muli ng kalikasan at sa kabuhayan ng mamamayan.

     Kaya naman nitong nakaraang Biyernes, pormal nang sinimulan sa bayan ng Gabaldon ang kauna-unahang Giant Bamboo Planting Program ng Provincial Government sa pangunguna ni Governor Oyie at Congresswoman Cherry Umali, sa tulong ng Environment And Natural Resources Office (ENRO) at Lokal na Pamahalaan ng Gabaldon.

NANINIWALA SI GOVERNOR AURELIO “OYIE” MATIAS UMALI NA MALAKI ANG MAITUTULONG NG PAGTATANIM NG MGA PUNO TULAD NG KAWAYAN SA KALIKASAN AT KABUHAYAN NG MGA MAMAMAYAN.
NANINIWALA SI GOVERNOR AURELIO “OYIE” MATIAS UMALI NA MALAKI ANG MAITUTULONG NG PAGTATANIM NG MGA PUNO TULAD NG KAWAYAN SA KALIKASAN AT KABUHAYAN NG MGA MAMAMAYAN.

     Sa isang ektaryang lupa sa Brgy Bantug isinagawa ang planting demo na pinangunahan nina Governor Oyie, Mayor Ronaldo Bue, Enro Chief Officer Engr. Willie Pangilinan , Former Cabanatuan City Councilor Jess Diaz at Cabanatuan City Councilor Ariel Severino.

     Dalawampung ektarya sa Brgy Bantug ang target na taniman ng mga giant bamboo habang kasalukuyan nang sinisimulan ang pagtatanim sa dalawampung ektaryang lupa sa  Brgy. Camatchile.

     Ayon kay Governor Oyie, bukod sa layuning labanan ang epekto ng climate change na nagiging sanhi ng pabago-bagong panahon tulad ng matinding init na nararanasan, pagulan, rumagasang pagbaha at pagguho ng lupa, layunin din ng programa na mabigyan ng kaalaman at kabuhayan ang maraming mamamayan sa naturang mga barangay.

SANIB-PWERSA ANG LOKAL NA PAMAHALAAN NG GABALDON AT PAMAHALAANG PANLALAWIGAN SA PAGPAPATUPAD NG MGA PROGRAMANG MAKATUTULONG SA MGA MAMAMAYAN UPANG MAKABANGONG MULI MULA SA NAGDAANG KALAMIDAD.
SANIB-PWERSA ANG LOKAL NA PAMAHALAAN NG GABALDON AT PAMAHALAANG PANLALAWIGAN SA PAGPAPATUPAD NG MGA PROGRAMANG MAKATUTULONG SA MGA MAMAMAYAN UPANG MAKABANGONG MULI MULA SA NAGDAANG KALAMIDAD.

     Paliwanag ng gobernador, kapag na-harvest na ang mga giant bamboo na itinanim sa mga naturang lugar, bibilhin din ito ng kapitolyo na makatutulong naman sa proyekto nilang gasifier.

     Bukod sa mga giant bamboo, balak din ng provincial government na magtanim ng mga puno ng ipil-ipil at mga vetiver grass sa Brgy Bantug, Brgy Camatchile, at iba pang barangay sa naturang bayan.

MALIGAYANG MALIGAYA AT LABIS ANG PASASALAMAT NG MGA TAGA-GABALDON KAY GOVERNOR OYIE UMALI DAHIL SA MGA IPINAGKAKALOOB NITONG TULONG AT PROGRAMA SA KANILANG BAYAN.
MALIGAYANG MALIGAYA AT LABIS ANG PASASALAMAT NG MGA TAGA-GABALDON KAY GOVERNOR OYIE UMALI DAHIL SA MGA IPINAGKAKALOOB NITONG TULONG AT PROGRAMA SA KANILANG BAYAN.

     Samantala, labis naman ang kasiyahan at pasasalamat ng mamamayan ng Gabaldon sa ipinagkaloob ng Provincial Government sa kanila. – ULAT NI JANINE REYES.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *