Giant Ferris Wheel, Libre sakay para sa mga Gapanense

Libre  sakay para sa mga Gapanense  ang 6th biggest Ferris Wheel na matatagpuan sa lungsod ng Gapan na handog ni Mayor Emerson “Emeng” Pascual.

Labis ang kasiyahan ng mga Gapanense dahil sa pagkakaroon ng higanteng Ferris Wheel na handog ng Punong Lungsod para sa mamamayan ng Gapan.

Ang Giant Ferris wheel na nasa Gapan  ay itinayo ng Carron –Westech Manufacturing Corporation na  mayroong labing anim na talampakan at tinaguriang pang anim sa malalaking Ferris wheel na nasa bansa kabilang ang Star Wheel sa Star City(60 meters), Pampanga Eye sa  Sky Ranch sa San Fernando, Pampanga (55 meters), MOA Eye sa Mall of Asia(53 meters), Sky Eye sa Tagaytay City (50 meters), Picnic Grove sa Tagaytay City (45 meters) at kasalukyang Ferris Wheel na nasa Gapan na tinatayang apat napung metro.

Isa ito sa ipinangako ni Mayor Emeng Pascual noong nakarang taon na kanyang isinakatuparan ngayong taon upang  libreng makasakay ang mga Gapanense at mas mapa-bongga ang pinakainaabangang Christmas Festival sa Lungsod taun-taon.

Kabilang sa  ipinangako ng Alkalde ng Gapan ay ang ipinagmamalaking  Tunnel of Christmas lights na makikita mula sa Bucana ng Gapan  na may habang isang kilometro na pinagtulungan ng mga volunteers na Gapanense upang maikabit at mapaganda ang kanilang lugar na tatagal hanggang Enero sa-is sa susunod na taon.

Bago pa pinasinayaan ang Giant Ferris Wheel at inilawan isang daang talampakan na higanteng Christmas Tree noong December 1, 2018  ay nagkaroon ng maikling programa, binasbasan ng pari ang nagniningning na belen na nasa gilid ng entablado at nagsagawa  rin ng pampasayang bilang ang mga opisyales, umabot naman sa humigit kumulang dalawampung minuto ang magarbong Fireworks display na naging tampok din sa festival.

Kasama rin sa nagpasaya ng gabi ay ang Guest Singer-song Writer  na si Janno Gibbs na pinaindak, pinakilig at pinasaya ang mga Gapanenses sa kanyang sunud-sunod na kanta na pinamagatang pinakamagandang lalaki, Si Aida o si Lorna o si Fe, ipagpatawad mo,  lumayo ka man sa akin at ang hit na hit original song nito na fallin.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.

https://youtu.be/rluiWfdjLvo


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *