Ginoo ng Bayan ng Talavera, wagi sa Ginoong Nueva Ecija 2018

Wagi sa katatapos na Ginoong Nueva Ecija 2018 si Dancel Jan Mendoza mula sa bayan ng Talavera.

Ito raw ang pinakamalaking pageant na sinalihan ni Mendoza na isang Grade 12 student sa Araullo University.

Caption: (L-R) Gerome Morales- Ginoong Nueva Ecija 2018 2nd runner-up, Troy Quebral- Ginoong Nueva Ecija 2018 Turismo, Dan Jancel Mendoza- Ginoong Nueva Ecija 2018, Dion Pajarillo- Ginoong Nueva Ecija 2018 1st runner-up, at Bill Kenedy Uera – Ginoong Nueva Ecija 2018 3rd runner-up

Si Mendoza ngayon ang magiging pambato ng Nueva Ecija sa gaganaping Mister sa Pilipinas sa darating na Agosto ngayong taon.

Tinalo ni Dancel ang labinlimang kandidato mula sa ibat ibang bayan ng lalawigan.

Sa kanilang production number na Modern Ethnic Dance, ipinakita ng 18 anyos na binata ang galing sa pagsayaw.

Nakipagtagisan din ng galing sa pagrampa ng kanilang Festival Attire, Resorts Wear at Barong Tagalog Attire.

Bukod sa titulo, naiuwi rin nito ang Ginoong Sogo, Ginoong Lens Cab at Ginoo sa Kasuotang Barong Tagalog.

Samantala, napagwagian din nina Troy Quebral ang Ginoong Nueva Ecija 2018 Turismo, Dion Pajarillo bilang Ginoong Nueva Ecija 2018 1st runner-up, Gerome Morales bilang Ginoong Nueva Ecija 2018 2nd runner-up at Bill Kenedy Uera bilang Ginoong Nueva Ecija 2018 3rd runner-up. – Ulat ni Shane Tolentino

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *