GJC, nakaungos ng panalo kontra OLFU

Nadagdagan ang panalo ng team ng General De Jesus College (GJC) sa ginanap na game 8 ng elimination round sa men’s basketball ng NECSL Season 7 noong October 22, 2018 laban sa Our Lady of Fatima University (OLFU).

Sa paghaharap ng dalawang koponan, nag tie ang score ng dalawa sa 48 sa 3rd quarter, pagdating ng 4th quarter naghahabulan ang kanilang score.

Ngunit, sa pagtatapos ng huling quarter ay umakyat ng dalawang puntos ng GJC ang OLFU at sinelyuhan sa score na 81-83.

Ang tagumpay ng GJC kontra OLFU ay dumagdag sa kanilang panalo mula sa nakaraang laban sa OLSCHO at nagpanatili sa kanila sa ika-pitong pwesto sa team standing.

Habang napako naman ang NEUST Phoenix sa pagiging numero uno sa ranking na walong panalo at walang talo, kabuntot ang WUP Riders na pito ang panalo at isa lamang ang talo.

Pangatlo sa pwesto ang CLSU Green Cobras na may anim na panalo at dalawang talo. Limang panalo at tatlong talo naman ang nakamit ng CRT Blue Fox at pantay sa apat na panalo at talo ang naitala ng MVGFC Ambassadors.

Sumunod sa ikapitong pwesto ng GJC, ang OLFU na 1-7 ang standing at panghuli ang OLSCHO na 0-8.

Palapit na ng palapit ang semi finals, sino ang maghahari ngayong season? Pakatutukan sa mga susunod na bakbakan dito lamang sa himpilan ng TV48. –Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *