Gov. Cherry at Atty. Oyie Umali, nagdiwang ng kanilang anibersaryo kasama ang mga kababaihan sa Bayan ng Guimba

Punong-puno ng kasiyahan at sayawan ang nagkakaisang kababaihan sa Bayan ng Guimba nang bumuhos ang mga sorpresang regalo at papremyo sa kanilang pagdiriwang ng Christmas Party kasama sina Gov. Czarina at Atty. Aurelio Umali noong December 08, 2018.

Sa saliw ng mga katutubong tugtogin habang suot ang mga tradisyunal na kasuotan ay nagpaligsahan sa pagsayaw ang mga grupo ng kababaihan ng iba’t-ibang barangay sa Guimba.

Ang pagdiriwang ay mas lalong pinasaya nina Gov. Cherry at Atty. Oyie Umali na nagdiriwang noon ng kanilang Ika-21 anibersaryo dahil sa kanilang inihandog na sorpresang regalo.

Kinilig ang lahat ng maghandog ng isang munting harana si Atty. Oyie sa kaniyang maybahay.

Lalong nag-umapaw ang saya ng mga kababaihan ng dagdagan nina Gov. Cherry at Atty. Oyie ang papremyo ng kompetisyon.

Ayon kay Atty. Oyie, ang araw na yun ay napakaespesyal para sa kanilang mag-asawa. Kaya’t nais din nilang magbigay ng sobra-sobrang kasiyahan sa mga kababaihan ng Guimba.

Sabay pagbibigay pugay sa kadakilaan na ginagampanan ng mga kababaihan sa bawat tahanan ng pamilyang Novo Ecijano.

Ang kasiyahan ay dinaluhan din nina Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, President Dutertes’s Political Adviser na si Francis Tolentino, asawa ni Maguindanao Representative Dong Mangudadatu, doc Anthony Umali, Bokal Raprap Villanueva, Dating Bokal Eric Salazar at Dating Guimba Vice Mayor Ler De Guzman.

Pagkatapos sa Bayan ng Guimba ay dumalo rin sa mga kasiyahan ng araw na yun sina Gov. at Atty. Umali sa mga Bayan ng Talavera at Quezon. –Ulat ni Danira Gabriel

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *