Gov. Cherry Umali at Atty. Oyie Umali, nakiramay sa pagpanaw ni ABC Pres. Nelson Garces ng San Antonio

   Personal na nakidalamhati si Gov. Czarina “Cherry” Umali, kasama ang kaniyang kabiyak na si Atty. Aurelio “Oyie” Umali sa mga naulila ni ABC President Nelson “Sonny” Garces ng bayan ng San Antonio.

   Ayon sa kanyang maybahay na si Liza Garces, itinuring nang hindi iba ng mag-asawang Gov. Umali ang kaniyang asawa.

   Nawalan ng buhay si ABC Garces sa edad na sisenta’y singko anyos ilang minuto matapos ang kaniyang naging operasyon sa puso sa Heart Center, sa Maynila.

   Kasalukuyang naninilbihan si Garces sa kaniyang ikalawang termino bilang Kapitan ng Brgy. Sto Cristo, San Antonio. Aniya, isang masipag na lider ng barangay si Garces at bilang isang asawa at haligi ng tahanan, ay isa umano itong mapagmahal at masayahing asawa.

   Lubos naman ang pasasalamat ni Aling Liza sa lahat ng mga nakikisimpatiya sa pagkawala ng kanilang ama ng tahanan. -Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *