GOV. OYIE AT CONGW. CHERRY UMALI, BINIGYANG KATUPARAN ANG KAHILINGAN NG MGA GURO, MAGULANG AT ESTUDYANTE NG LGES

Dininig ang pinagsamang panalangin ng mga guro, magulang at mag-aaral ng Luis Gonzales Elementary School na magkaroon ng malaking bulwagan sa nasabing paaralan.

Ito ang matagal nang pinapangarap ng eskwelahan na  magkaroon ng munting paggaganapan ng mga aktibidad tulad na lamang ng simpleng pagtitipon, anibersaryo, palaro at graduation.

Ayon kay Emily Soria, kinatawan ng mga magulang sa nasabing paaralan, hindi na mabibilad ang kanyang anak sa tuwing magsasanay ito ng sayaw upang makipagtunggalian sa ibang paaralan.

Malaking bagay para sa mga mag-aaral ang naitayong gymnasium dahil simula ngayon ay kampante na ang bawat isa at ito na aniya ang tanda ng tuluy-tuloy na pagbabago sa kanilang paaralan.

Abot naman ang pasasalamat ng punong barangay na si Kapitan Dante Masilang sa inihandog nina Gov. Oyie Umali at Congresswoman Cherry Umali sa kanilang barangay.

Buong suporta din ang ibinigay nina Bokal Nero Mercado, Konsehal Macoy Matias, dating Board Member Doc Anthony Umali at Vice Tony Romero sa ginanap na inaguguration and blessing ng school gymnasium ng Luis Gonzales Elementary School.- Ulat ni Shane Tolentino

 

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *