Gov. Umali at Dobol P, Sinagot ang mga Paratang ni Ria Vergara

Sabay na humarap sa isang presscon sina Gov. Aurelio Umali at Dobol P at sinagot ang mga paratang ni Ria Vergara.
Sabay na humarap sa isang presscon sina Gov. Aurelio Umali at Dobol P at sinagot ang mga paratang ni Ria Vergara.

     Magkasamang humarap sa mga kagawad ng media sina Nueva Ecija Governor Aurelio Umali at Philip “Dobol P” Piccio kasunod ng mga naglabasang pahayag ni Rossana “Ria” Vergara laban sa kanilang dalawa.

     Kalmadong sinagot nina Governor Umali at Piccio ang mga paratang ni Ria Vergara.

     Ayon kay Governor Oyie, hindi “political harassment” o panggigipit sa pulitika ang pagsasampa ni Piccio ng diskwalipikasyon kontra kay Vergara gaya ng pinalalabas nito.

     Paliwanag  naman ni Dobol P, sino mang pumasok sa pulitika o serbisyo publiko ay uungkatin ang pagkatao batay sa itinakda ng ating batas.

      Sa sinabi ni Ria na “political assassin” o “attack dog” ng mga Umali si Piccio, inamin ng gobernador na isa ngang “assassin” si Piccio ngunit hindi “political assassin” ng Umali.

     Kwento ni Governor Umali, estudyante pa lamang sila ay magkaibigan na sila ni Dobol P at noon pa ay nakilala na niya itong lumalaban para sa tama.

      Bwelta ni Piccio sa akusasyon ng asawa ni Mayor Jay Vergara na naghihiganti lamang siya dahil nauna na siyang kinasuhan nito ng libelo, ano naman daw kaya ang tawag nito sa siyam na kaso ng libel na isinampa nito kontra sa kanya? Harassment sa isang media practitioner, times 9?

     Ani Dobol P, hindi naman nya mapapa-diskwalipika si Vergara kundi ito kakandidato.

    Sa huli, iniwang mensahe ni Governor Umali at Piccio kay Ria ay harapin na lamang at sagutin nito ang kanyang disqualification case.- ulat ni Clariza de Guzman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *