Gov. Umali, hinikayat ang LMP na makiisa at suportahan ang Nueva Ecija Provincial Food Council

Sa ginanap na monthly meeting ng League of Municipalities of the Philippines – Nueva Ecija Chapter noong Biyernes August 30, 2019 na ginanap sa Barangay San Roque sa Bayan ng Guimba ay hinikayat ni Governor Oyie Matias-Umali  ang mga Alkalde na sumuporta at makiisa sa Nueva Ecija Provincial Food Council.

Layunin nito na bilhin sa mas mataas na presyo ang aanihing palay ng mga mahihirap na magsasakang apektado ng Rice Tarrification Law.

Sa presentasyong ng PDEA sa 849 Barangays sa Nueva Ecija ay 207 dito ang iniulat na Cleared  sa iligal na droga dahil sa kanilang isinasagawang mga operasyon sa bawat barangay na nakaasiste ang PNP sa sa bawat operasyon.

Kaugnay nito ay ibinahagi naman ng Gobernador sa LMP ang ipinatayong drug rehabilitation center ng Pamahalaang Panlalawigan na matatagpuan  sa Palayan City bilang suporta sa sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte  sa pagsugpo sa illegal na droga sa lalawigan.

Kabilang sa dumalo ay ang DILG o Department of the Interior and Local Government na hinihikayat ang mga Local Chief Executives na kausapin ang mga nasasakupan kagaya  ng mga establisyemento na malapit sa kalsada para makiisa at sumuporta sa Road Clearing of illegal Structures and Constructions upang mabawasan ang trapiko na isa sa mga problemang kinakaharap ng bansa.

Apela naman ng mga LCE o Local Chief Executive kailangan ang assistance ng National Government partikular ng LTO at DPWH para makuha ang saktong sukat ng mga kalsada at pagbabawal sa mga tricycle o pedicab sa pagbabyaheΒ  sa National Highways. Ulat ni Getz Rufo Alvaran


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *