Governor Aurelio Umali, mga empleyado ng kapitolyo kumain ng lechon

Sa maikling talumpati ni Governor Aurelio Umali ay binigyang diin nito na ligtas kainin ang karneng baboy sa lalawigan. 

Bilang patunay ay  inilunsad ng Provincial Veterinary Office ang “Litson Boodle Fight” katuwang ng Swine Practitioners And Producers Association of Nueva Ecija.

Kasama sina Governor Umali, Vice Governor Anthony Umali at mga Kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ay sabay sabay na kumain ang mga ito ng lechon upang ipakita na ligtas kainin ang karneng baboy.

Hiniling ng pangulo ng SPPANE na si  Dr. Jayson De Guzman na tangkilikin ng mga mamamayan ang sariling produktong karne ng baboy ng Nueva Ecija.

Tinatayang nasa tatlumput’limang litsong baboy ang ipinagkaloob ng Swine Practitioner and Producers Associations of Nueva Ecija sa Pamahalaang Panlalawigan para sa Boodle Fight.

Tiniyak naman ng gobernador na ginagawa nila ang lahat upang hindi makapasok sa lalawigan ang ASF, at tiyaking ligtas ang bawat karneng mabibili sa merkado. Ulat ni Myrrh Guevarra


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *