Governor Aurelio Umali, personal na namahagi ng mga Wheelchairs, Crutches at Walker, sa mga Novo Ecijanong may kapansanan

Masayang tinanggap ng mga mahihirap na Novo Ecijanong may kapansanan ang mga bagong Wheelchair, Crutches at Walker na ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Aurelio Umali.

Governor Aurelio Umali, Hanga sa mga PWD’s o PERSON With Disability
dahil sa lakas at pagsusumikap kahit may kapansanan

Personal na ipinamahagi nina Governor Umali, Provincial Administrator Alejandro Abesamis at mga kawani ng Provincial Social QWelfare and Development Office ang mga nasabing kagamitan sa dalawampo’t dalawang PWDs o Persons With Disabilities na ginanap sa Provincial Lobby, Palayan City noong November 12, 2019.

Sa pahayag ni Governor Umali hanga ito sa lakas at pagsusumikap ng mga taong may kapansanan dahil hindi naging hadlang sa kanila na magsumikap parin sa buhay.

Sinabi rin nito na hanggang nananatili siya sa panunungkulan ay patuloy siyang tutulong sa mga mamamayang mahihirap na nangangailangan.

Anuman aniya ang estado o kondisyong ng isang tao sa buhay, bawat isa ay mayroong ganap na karapatan na dapat respetuhin at pahalagahan.

Ang pamamahagi ng Wheelchair, Crutches and Walker ay isa lamang sa proyekto ng Malasakit Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija.ulat ni Myrrh Guevarra

https://www.youtube.com/watch?v=vsxPGTEvi-E&feature=youtu.be


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *