Governor Umali at GSIS, pumirma na ng MOA para sa GSIS Financial Assistance Loan

Pumasok at lumagda na  sa Memorandum Of  Agreement (MOA)  si Governor Aurelio Umali at  Ms. Ireen Diumaano Branch Manager ng  GSIS upang makapag-avail  ng GFAL  ang mga empleyado  ng Provincial Government of Nueva Ecija  na may maximum amount  na   500,000 pesos.

Ang Loan na ito ay para sa  mga kawani ng kapitolyo   na may utang sa Land Bank at DBP  na nasa Php 500,000 pababa.  Sa pamamagitan ng Loan Transfer ay  babayaran at ililipat sa GSIS ang balanse ng isang empleyado. 

Aabot sa 6 years ang payment term at nasa 6%  naman ang interest rate nito per annum.

Layunin ng  GFAL  na  matulungan ang isang empleyado na  mapataas ang kanilang  neto at asistehan sila sa  kanilang pinansyal na pangangailangan.  

Upang maka avail ng GFAL ay magkakaroon ng orientation angΒ Β  GSIS sa mga empleyado ng kapitolyo. – Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *