Governor Umali, binigyang kilala ang mga atleta at OFW na nagbigay karangalan sa Nueva Ecija

Binigyan ng pagkilala ni Governor Aurelio Umali kahapon sa kanyang tanggapan sa New Capitol,  Palayan City ang mga Novo Ecijanong atleta na lumahok sa katatapos na South East Asian Games.

Sa aming panayam kay  Governor Umali, inihayag nito na sa panahon na nakikipaglaban ang mga atleta sa Sea Games ay kasama nila ang lahing Novo Ecijano at mga kapwa Filipino.

Ang mga atletang Novo Ecijano na pinagkalooban ng cash incentives ay sina Romeo Jasmin Jr., Jerome Yenzon, at Alfredo de Guzman na nagkamit ng ginto sa larangan ng baseball.


Si Aries Toledo na naidepensa sa pangalawang pagkakataon ang kanyang gintong medalya sa Decathlon.

Kabilang sina Paul at Rachelle  dela Cruz na nag-uwi ng gintong medalya sa  archery.

Maging ang mga naging kinatawan ng Pilipinas para sa BMX Race, cycling, volleyball at net ball.

Tiniyak ni Governor Oyie Umali  na patuloy ang pagbibigay ng suporta ng pamahalaang panlalawigan sa mga atleta sa pamamagitan ng Nueva Ecija Sports and Youth  Development Services  office.

Masaya ring inialay ni  Captain Angel P. Abesamis sa punong lalawigan ang kanyang tropeyong natanggap bilang  OFW Model Family of the Year National Awardee, Seafarers Category na iginawad  ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.

Ayon kay Captain Abesamis  ang parangal na ito ay nagbigay sa kanya ng dagdag inspirasyon para lalo pang magsumikap sa kanyang hanap-buhay.  – Ulat ni Amber Salazar

Watch – Governor Umali, binigyang kilala ang mga atleta at OFW na nagbigay karangalan sa Nueva Ecija

https://youtu.be/G9-vXmsSOvc


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *