Grade 12 SHS student, kinoronahan bilang Bb. Gabaldon 2019

Kinoronahan bilang Binibining  Gabaldon ngayong taon ang isang 18 years old Grade 12 Senior High School Student  ng Gabaldon Essential Academy sa ginanap na Bb. Gabaldon 2019 kaugnay ng  selebrasyon para sa ikawalong taon ng  Gulayan Festival.

Tinalo ni Cris Ann Diaz mula sa Barangay Bugnan, Gabaldon ang labing dalawang  kandidata na katunggali sa Binibing Gabaldon 2019.

Itinanghal na first runner – up ang pambato ng Barangay Macasandal na si Cloudelle Kaith Gonzales, Second runner – up naman si Judy Ann Santos ng Barangay Tagumpay habang Third Runner – up at hakot award si Phebe Camacho ng Brgy. Bantug at fourth runner – up ang binibini Sawmill na si Geyl Bulan.

Nagpagalingan sa pagrampa suot ang kani – kanilang festival costumes na may iba’t – ibang disenyo casual attire na may iisang yari at maging sa swim suit attire at long gown na lalong nagpalutang sa ganda ng mga kandidata.

Pinahanga ni Cris ang mga hurado sa question and answer portion ng kumpetisyon sa direktang pagsagot nito sa katanungan na payag ba siyang sumali ang isang transgender woman sa Binibining Gabaldon 2019?

Sinagot naman nito na pahihintulutan niyang sumali ang isang Transgender Woman, upang mabigyan ng pagkakataon ang mga  nagnanais lumahok sa prestihiyosong kumpetisyon.

Mahalaga rin aniya  na hindi kasarian ang pamantayan o basehan sa kumpetisyon bagkus ang kakayahan ng isang indibidwal na mamuno at mairepresenta ang kanilang nasasakupan.

Ayon sa Chairman ng Bb. Gabaldon 2019 na si Maria Rowena Constantino, sa pamamagitan ng patimpalak ay naipapakita ang husay at gandang pinay ng mga Gabaldonians.

Samantala, malaking pasasalamat naman ng mga taga Gabaldon sa Pamahalaang Panlalawigan sa patuloy na pagbibigay  suporta sa kanilang pagdiriwang ngayong taon ng Ika-walong Gulayan Festival.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *