Grade 8 student, nawawala; bangkay ng lalaki, natagpuan sa irigasyon sa Talavera

Halos magdadalawang linggo nang nawawala ang Grade 8 student na si Angelica Mae Liago y Oribillo, 14 years old at residente ng Purok 3, barangay Sumacab Norte, Cabanatuan City.

Huling nakita ang dalagita na nakasuot ng black T-shirt, shorts at naka tsinelas lang noong umalis ito ng bahay alas sais ng gabi, January 4, 2020.

Sa sinumang makatagpo kay Angelica ay kumontak lang sa istasyon ng pulisya sa mga numerong 0935-522-2227 o kaya sa 0975-183-8395.

Samantala, isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa irrigation canal sa Purok Kaunlaran, Homestead 1, Talavera 6:30 ng umaga noong January 13, 2020.

Nakasuot ng blue green na sando, black shorts na may nakatatak na “SUPREME” ang biktima na nasa edad bente hanggang kwarenta at tinatayang nasa 5’2 hanggang 5’5 ang taas.

Pansamantalang inilagay ang biktima sa Senior Citizen Funeral Parlor sa San Pascual, Talavera para sa autopsy examination.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *