Halagang limampung libong piso, pahiram ng pamahalaang panlalawigan sa dalawampu’t pitong kooperatiba ng Nueva Ecija

Tumanggap ang dalawampu’t pitong  kooperatiba sa lalawigan ng Nueva Ecija  ng pahiram na pondo ng pamahalaang panlalawigan na nagkakahalaga ng limam’pung libong piso nitong nakaraang Pebrero Uno, taong kasalukuyan.

Personal na iniabot ng ina ng lalawigan ng  Nueva Ecija na si Governor Cherry Domingo-Umali, katuwang ang tanggapan ng Provincial Cooperative and Entrepreneurship Development Office (PCEDO), ang munting puhunan na maaaring gamitin para palaguin ang kanilang kooperatiba.

Ang ipinahiram na halaga ay walang patong na interes upang mas maging maluwag sa mga benipisyaryo.

Kaugnay pa nito ay maari nilang bayaran ang nahiram na halaga sa loob ng sampung buwan.

May mensahe naman si Provincial Cooperative and Entrepreneurship and Development Office Chief, Elvira Ronquillo sa mga kooperatibang napagkalooban ng puhunan na sana ay magamit ng maayos  bilang panimula sa kanilang negosyo.hangad din aniya na kahit nagsisimula pa lamang  sa maliit sana ay maging positibo upang mas uunlad ito.

Sinamantala naman ng mga benepisyaryo ang pagkakataong makapagpasalamat sa pamahalaang panlalawigan na nagkaloob ng pahiram na pondo para panimula sa kanilang negosyo.

Ang layunin ng pangkabuhayang pondo ay upang makatulong sa bago at nagsisimula pa lamang na mga   kooperatiba. Para sa isang maunlad, matatag at magandang pamumuhay.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *