Halos 12,000 residente ng Laur, nabiyayaan ng maagang pamasko sa Gift Giving ng PGNE

Umabot sa 11,515 katao ang mga napagkalooban ng maagang regalo sa ginanap na Gift Giving Program sa bayan ng Laur noong December 5, 2018.

Pinangunahan ni Governor Cherry Umali ang pamamahagi ng gift packs sa 17 barangay sa bayan ng Laur kasama sina Doc Anthony Umali, Darrel “Manong DM” Morales, Board Member Peter Marcus “Macoy” Matias, Hector Bayro at mga konsehal ng bayan.

Ayon kay Doc Anthony Umali, isa itong pasasalamat sa mamamayan ng Laur. Bagama’t simple ang regalo na kanilang iniabot ay may kalakip naman itong tunay na pagmamahal at malasakit sa kapwa Novo Ecijano.

Wala aniyang katumbas na halaga ang mapasaya ang kapawa sa bawat proyekto o programang ipinagkakaloob ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga ito.

Pasasalamat naman ang ipinaabot ng mga benepisyaryo.

Hindi aniya kayang bayaran o walang kapalit na halaga ang mapasaya ang kapwa sa bawat proyekto o programang maiaabot ng Pamahalaang Panlalawigan  para sa mga ito.Isa rin aniyang  napakalaking accomplishment ang pagkakataong sila ay mapaglingkuran.

Kabilang sa mga barangay na nabiyayaan ang San Isidro na may 1,075 packs, Sagana at San Josef na may 1,475 packs, 650 gift packs sa Barangay Pinagbayanan, 2,820 packs para sa Poblacion 1, 2, 3 at 4, 900 packs sa Barangay San Fernando, 1,030 packs sa Siclong, 1,475 packs sa Barangay San Felipe at San Juan, 320 packs sa Nauzon, 585 gift packs para sa San Vicente, 735 packs sa Barangay Canantong at 450 packs para sa Barangay Betania at Barangay San Antonio. –Ulat ni Jessa Dizon

 

 

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *