Halos syam na libong mamamayan ng San Isidro nabigyan ng maagang regalo sa Gift Giving program ng Pamahalaang Panlalawigan

Umabot sa mahigit walong libo pitong daan at apatnapu’t lima ang mga nabigyan ng regalo ng Gift Giving program sa Bayan ng San Isidro, Nueva Ecija nitong Byernes, September 20,2018. Isinagawa ang Gift Giving Program sa Calaba Elementary School, Alua Elementary School at San Isidro Elementary School. Dumalo dito ang mga Punong Barangay, Vice Mayor Ante Tinio , Mayor Dong Lopez, Board member JC Patiag,  Board Member Nap Interior at  Vice Mayor Anthony Umali.

Ayon Kay Governor Cherry Umali ang  Gift Giving ang isa sa kanyang pinaka aabangang programa ng Pamahalaang Panlalawigan dahil nabibigyan sya ng pagkakataon na alamin ang lagay ng mga Novo Ecijano per barangay sa buong lalawigan.  Sa Calaba Elementary School ay nag bigay ng mahigit  3,397 Gift Packs para sa mga mamamayan ng Calaba at San Roque. Habang Nagpamigay naman ng mahigit 3,348 gift packs sa Alua Elementary School para sa mga mamamayan ng Alua at Santo Christo at mahigit 2000 gift packs sa San Isidro Elementary School  para sa mga mamamayan ng Poblacion.

Mayor Dong nagpasalamat sa patuloy na pagtulong ng Pamahalaang Panlalawigan sa Bayan ng  San Isidro

Nangako  si Board Member JC Patiag na patuloy na susuporta sa mga pagawain ng Pamahalaang Panlalawigan na makabubuti sa mamamayan ng  ika- apat na Distrito ng Nueva Ecija. Pahayag naman ng kagalakan si  Board Member Nap Interior  ang pagpapatuloy ng programang ito lalo pa at nabibigyan ng tulong ang mga mamamayan. 

Maging si Governor Cherry man ay nagpasalamat sa mga mamamayan dahil sa tiwalang kanilang ibinigay sa kanya upang mag lingkod sa bayan

-Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *