Dinner for a Cause, inilunsad ng Nueva Ecija Press Club Inc.

Matagumpay na nailunsad ng Nueva Ecija Press Club Incorporated ang Dinner for a Cause bilang bahagi ng kanilang post Valentine celebration.

Sa mensahe ni Aga Linsangan, tagapangulo ng NEPCI, inihayag nito na layuning gamitin ang kinita sa pagbebenta ng mga tiket sa membership sa National Press Club at maintenance ng opisina ng mga lokal na mamamahayag na ipinagkaloob ni Governor Aurelio Umali.

Dumalo sa masaganang hapunan ang mga grupo at mga indibiduwal na sumuporta sa aktibidad kabilang ang 7th Infantry Division, Philippine Army at Army Artillery Regiment na nakabase sa Fort Magsaysay Military Reservation at pamahalaang lokal ng San Antonio sa katauhan ni Vice Mayor Julieta Maxwell.

Tampok naman sa programa ang dating game kung saan dalawang kababaihan ang namili ng kanilang date ng gabing iyon mula sa apat na kalalakihang sumali sa palaro.- ulat ni Clariza de Guzman

Watch- Dinner for a Cause, inilunsad ng Nueva Ecija Press Club Inc.

7 Novo Ecijanong mga dating OFW, binigyan ng bagong hanap-buhay

Pinagkalooban ng bagong hanap-buhay ng TESDA, Ako ang Saklay Incorporated, at Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng PESO ang pitong Novo Ecijanong mga dating OFW

Sa pamamagitan ng Pakikipag Ugnayan ng PESO sa ako ang Saklay Incorporated ay nabigyan ng pagkakataon na muling magkaroon ng trabaho ang mga dating OFW na nag-aral ng Dressmaking sa TESDA.

Lubos ang pasasalamat ng mga mananahi kay Governor Aurelio Umali at sa Ako ang Saklay sa pagbibigay sa kanila ng oportunidad na muling magkatrabaho. Dagdag pa nila na, isang malaking tulong ito sa kanila sapagkat libre ang kanilang tirahan at pagkain.

Labis ang paghihirap na inabot ni Nanay Marivic Reyes sa kamay ng kanyang employer bukod sa pananakit ay ginugutom siya ng mga ito kaya naman napaiyak si habang binabalikan ang masalimuot niyang karanasan bilang OFW.

Naglalayon ang programa na mabigyan ng trabaho ang mga OFW na nagkaroon ng hindi magandang karanasan sa ibang bansa.

Ilan sa kanilang tinatahi ay facemask, apron at echo bag. Ibinibigay ang ibang facemask sa iba’t ibang ospital sa Nueva Ecija habang, ang iba naman ay ibinebenta ng tatlong piraso sa kada isang daang piso.

Sa mga nagnanais na bumili ng kanilang produkto ay makipag-ugnayan lamang sa Ako ang Saklay Incorporated.

Watch-7 Novo Ecijanong mga dating OFW, binigyan ng bagong hanap-buhay

Philippine malls to hold month-long shopping sales to counteract virus scare

Photo credits Promotional Drives

Mall operators like SM Prime Holdings Inc. and Ayala Land Inc. to more upscale retailers like SSI Group Inc. will hold a month long shopping sale next month, a move that could reinvigorate the retail sector hurt by the Coronavirus scare.

Read more:https://ph.yahoo.com/news/philippines-to-hold-month-long-shopping-sale-in-bid-to-boost-spending-011856242.html

Eat lang ng Eat | J & R Grill and Restaurant

Kakaibang sea food boodle fight experience na pangpamilya at pangbarakada ba ang hanap mo? Hindi mo na kailangan pang lumayo dahil ma-eenjoy mo na ito sa J and R Grill and Restaurant sa Bayan ng San Isidro. Nakatatakam na sizzling pusit ay iyo ding matitikman dito. Pagkaing masarap pero abot kaya ang halaga ay hindi na kailangang pag-isipan pa kung saan pupuntahan. Bumisita lamang sa Policarpio St. Poblacion, San Isidro, Nueva Ecija. Sa iba pang detalye kontakin lamang sila sa numerong 0916-221-1201.