Hari sa Ani, inilunsad ng Seedworks Phil. Company sa Central Luzon

Patuloy na ipinalalaganap ng Seedworks Philippines Company ang pagpapakilala ng US-88 hybrid rice variety sa mga magsasaka ng Central Luzon.

Layunin ng Seedworks na maparami ang mga magsasakang nagtatanim ng kanilang produkto lalo na dito sa Nueva Ecija na tinaguriang “Rice Granary Of The Philippines”.

Ayon kay Simeon Bautista, Area Manager ng Seedworks Company sa buong North at Central Luzon na mula sa Munoz Nueva Ecija, napapanahon ang pagpapakilala nila ng kanilang produkto bagaman bagsak ang presyo ng palay at mahal ito ay makakabawi naman sila sa kikitain.

US-88 Hybrid Rice Variety, Sinasabing may mataas na nakukuhang ani ayon sa magsasaka

Dahil maliban umano sa makakakuha ang mga magsasaka ng mataas na aanihin ay mayroon din silang magandang kalidad ng binhi na mas maganda ang presyo.

Dumalo sa paglulunsad ng Hari sa Ani ang mga magsasakang mula sa ibat-ibang lalawigan ng Central Luzon na sumubok na ng US-88 Hybrid Rice Variety.

Ayon kay Marcelino Gamilla, limamput anim na taong gulang mula sa Kaputikan Talavera, bukod sa malakas umani ang nasabing binhi ay masarap din itong kainin.

Napatunayan aniya ito nang gamitin nya ang nasabing rice variety noong nakaraang tag-araw.

Isa naman si Abuel Arucena, limampu’t dalawang taong gulang sa unang beses pa lamang na sumubok magtanim ng nasabing binhi na malapit nang umani.

Kapag napatunayan niyang talagang maganda ito ay uulitin niyang gamitin ang US-88 hybrid rice variety ng Seedworks Philippines Company. Ulat ni Myrrh Guevarra


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *