Higit 1,000 inmates sa Nueva Ecija Provincial Jail, nakatanggap ng pamaskong regalo mula sa Pamahalaang Panlalawigan

Nakatanggap ng pamaskong regalo sa ilalim ng Gift Giving Program ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Czarina Umali ang isang libo isang daan at dalawampu’t walong inmates sa Provincial Jail.

Ayon kay Jail Warden Jojo De Leon, nakipag-ugnayan ang mga ito sa Provincial Government upang mapagkalooban ng regalo ang mga inmates, at nasorpresa sila nang mabatid na kabilang talaga ang mga ito sa benepisyaryo ng naturang programa para ngayong nalalapit na kapaskuhan.

Ang pamamahagi ay may kaakibat na mensahe mula kina Governor Cherry at Former Governor Aurelio Umali na “Isang Paskong Maligaya at Bagong Taong Sagana….sa Diwa ng Malasakit at Pagkakaisa”.

Hindi naman pinalampas ni De Leon ang pagkakataon na makapagpasalamat sa mag-asawa hindi lamang sa regalong natanggap ng mga preso kundi maging sa patuloy na suporta na ipinagkakaloob sa kanila.

Malayo man sa pamilya ay bakas sa mukha ng mga nabiyayaan ang saya dahil sa pagpapadama ng malasakit ng Pamahalaang Panlalawigan para sa kanila.—Ulat ni Jovelyn Astrero


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *