Higit 1,000 mamamayan sa bayan ng San Antonio, naserbisyuhan ng Medical and Dental Mission ng Provincial Government

Naghatid ang Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija katuwang ang pamahalaang bayan ng San Antonio ng serbisyong Medikal at Dental para sa mga mamamayan nito, kahapon February 12, 2020.

Umabot sa mahigit isanglibong katao ang nabenepisyuhan ng naturang programa, kabilang sa mga serbisyong natanggap nila ay ang libreng check-up, mga gamot, bunot ng ngipin at libreng pap smear para sa mga kababaihan.

Isa ang benipisyaryo na si tatay Andres Reyes mula sa barangay. Sto Cristo na tumanggap ng serbisyong medical dahil idinadaing nito ang pabago-bagong pagtaas ng kaniyang blood pressure at ang mahigit apat na buwang pananakit ng kaniyang mga binti.

Ubo, sipon at limang araw na pananakit ng ulo naman ang daing ng animnapu’t siyam na taong gulang na si nanay Matea De Guzman ng barangay San Mariano.

Lubos ang kanilang pasasalamat kay Governor Oyie dahil sa pagkakaloob ng libreng serbisyo para sa kanilang mga kapos palad at nangangailangan.

Nagbigay din ng paalala si Fr. Arnold Abelardo ng Ako Ang Saklay Incorporated sa mga estudyante ng San Antonio Central School tungkol sa mga dapat gawin upang makapag-ingat sa banta ng novel corona virus sa bansa.

Kabilang dito ang paghuhugas ng kamay, pag-distansya sa mga may sakit tulad ng ubo at ipon, pagsusuot ng facemask kung inuubo at sinisipon, at pag-iwas sa direct contact o paglapit sa mga alagang hayop.

Ito ay isa lamang sa programa ng pamahalaang panlalawigan na ibinababa sa mga Novo Ecijano na layuning makapaghatid ng serbisyong may malasakit. Ulat ni Myrrh Guevarra


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *