Higit 400 na mamamayan ng Lupao, libreng naserbisyuhan ng Medical and Dental Mission ng Pamahalaang Panlalawigan

Nakatanggap ng libreng gamot, check-up, bunot ng ngipin at Pap smear para sa mga kababihan ang mahigit apat na daang mamayan ng lupao sa Medical and Dental Mission ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija.

Isinagawa ang Medical and Dental Mission sa Municipal Gym ng Lupao sa pangunguna ni Governor Aurelio Umali, kahapon, February 26, 2020.

Labis ang pasasalamat ng Local na Pamahalaan ng Lupao at ng mga mamamayan nito sapagkat isa itong malaking tulong lalo na sa mga residenteng kapos palad.

Bukod pa sa libreng serbisyong pangkalusugan ay nakatanggap din ang limang daang pamilya sa Lupao ng anim na kilong bigas, delata at kape na galing sa food for work program ng DSWD na ipinanukala ni Governor Umali, kapalit ng kanilang dalawang araw na pagseserbisyo sa komunidad kagaya ng tree planting.

Hiling naman ni Mayor Alex Romano ng Lupao na nawa ay maulit pa ang ganitong programa para sa kanilang bayan dahil isa itong magandang programa upang ipakita aniya ang malasakit ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga nasasakupan nito.

Binaggit naman ni Governor Oyie sa kanyang mensahe ang kanyang pagnanais na ipaayos ang Gymnasium ng bayan na gawin itong covered court at lagyan ng air-conditioning unit, nang sa gayon ay magkaroon ng komportable at maayos na lugar na maaring pagdausan ng mga programa kagaya ng seminar at iba pang aktibidad. Ulat ni Belle Ramirez/ Clariza De Guzman

Watch – Higit 400 na mamamayan ng Lupao, libreng naserbisyuhan ng Medical and Dental Mission ng Pamahalaang Panlalawigan


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *