Higit 500 mag-aaral ng Camp Tinio National High School, dumalo sa Solid Waste Management seminar ng PYDO

Higit limang daang mga magulang, mag aaral at mga guro ng Camp Tinio National High School ang nakiisa sa Information Awareness on proper waste segregation seminar ng Provincial Youth Development Office (PYDO) bilang bahagi ng Oplan Kalusugan ng Department of Education.

Nagbigay ng kaalaman patungkol sa waste awareness o kamalayan sa basura ang mga kinatawan ng PYDO.

Kasama sa tinalakay ang iba’t ibang uri ng basura, kung saan ito napupunta at kung ano ang dapat gawin sa mga basura ng komunidad.

Para naman sa mga magulang na sina Jessie at Melody, malaking bagay anila na may ganitong seminar sa paaralan upang matuto ang  kanilang mga anak sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran.

Ibinahagi naman ng dalawang mag aaral na sina Marjorie  at Mark Aries ang kanilang mga natutunan sa nasabing seminar.

Layunin nito na makapagbigay kaalaman sa mga komunidad patungkol sa Solid Waste Management  o tamang pamamaraan sa pagtatapon ng basura upang  mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa kapaligiran.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *