Higit 80 Mayors, Kapitan, sangkot umano sa droga sa Region 3

Sa naganap na National Oversight Committee on Illegal Drugs meeting sa NEPPO Hostel , Cabanatuan City noong February 8 ay sinabi ni Central Luzon Police Director  Joel Napoleon Coronel sa harap ng media na mayroong halos 68, 000 drug watchlisted na kinabibilangan ng users, pushers, trafficers, at maging ng mga Drug Lords sa pitong lalawigan ng Gitnang Luzon kung saan kasama ang 84 na mga nakaupo sa puwesto.

55 poryento aniya nito ay sumuko na at sumasailalim sa recovery at wellness program, 18, 000 ay arestado at  anim na libo naman ang kasalukuyang tinutugis ng mga kapulisan.

Dagdag pa nito, mayroong 94  High Value Targets na sumuko na, naaresto na,o maaring napatay sa police operations sa buong rehiyon.

Ang National Oversight Committee on Illegal Drugs meeting  ng mga kapulisan ay programa ng  National Head Quarters upang magsagawa ng pag-aaudit at inventory sa bawat operasyon ng mga kapulisan at pagsasawata o pagpuksa ng iligal na droga.

Layunin ng pagpupulong na matiyak at masiguro na ang tala ng mga krimeng nangyayari sa bansa ay naayon  o tugma sa records  na isinusumite sa Pangulo at sa Publiko mula sa bilang ng mga personalidad na sangkot sa droga,  naaresto, sumuko, at kasalukuyang sumasailalim sa rehabilatasyon. –Ulat ni Getz Rufo Alvaran


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *