Higit isang daang pulis ng Nueva Ecija,magpapapayat sa loob ng isang buwan

Magpapapayat sa loob ng isang buwan ang higit isang daang pulis ng Nueva Ecija para sa weight loss challenge ng Nueva Ecija Provincial Police Office sa ilalim ng pamumuno ni Provincial Director Leon Victor Rosete. 

Sabay-sabay na nag-warm up ang mga pulis sa ginanap na opening ng weight loss challenge sa NEPPO gym noong Martes February 12, 2019.

Provincial Director Leon Victor Rosete

Sa mensahe ni Provincial Director Leon Victor Rosete, ang trabaho ng pulis ay talagang nakakapagod kaya ang iba ay idinadaan na lang sa pagkain ang pagod at napapabayaan na ang katawan.

Ang challenge ay tatagal ng isang buwan simula February 12 hanggang March 12, upang mabigyan ng panahon ang bawat kalahok na mapababa ang kanilang timbang.

Layunin ng programang ito na ibalik ang pagiging health conscious ng mga kapulisan sa kanilang pangangatawan.

Dagdag pa ni PD Rosete, buwan buwan na nilang gagawin ang challenge na ito upang marami pang pulis ang  mahikayat na magbawas ng timbang.

Tatlong pulis na may pinaka mababang timbang ang siyang mananalo sa weight loss challenge, na tatanggap ng Cash Insentive. – Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *